Chapter: 28

435 25 0
                                        

"Bakit ganiyan maglakad 'yan?" Sabay nguso ko kay Clark na mukhang tanga mag lakad.


Napakamot sa kilay si Creselia habang nakatingin narin kay Clark na binabangga ang iba naming kaklase.


"Pinagyayabang niya kasi ang aquaflask na bagong bili." Walang sa mood na sagot nito.


Bumaba ang tingin ko sa hawak ni Clark, may hawak na malaking tumbler. Nasa unahan ito habang dumadaan siya sa mga kaklase namin. Hindi rin nawawala ang ngisi nito sa labi sa tuwing bumaba ang mata nila sa hawak niya.


Yabang amp, hampas ko 'yan sa ulo niya e. Lakas mag yabang! Bukas na bukas rin mag dadala ako ng isang gallon na tubig para ipagyabang rin sakaniya.


Naramdaman ata ni Clark na may nakatingin sakaniya kaya napunta ang tingin nito sa amin. Wala paring bago, nakangisi parin siya.


Parang bano siya naglakad sa amin habang ang hawak aquaflask niyang nauuna para ipakita sa amin. "Excuse me, dadaan kami ng aquaflask ko." Balak pa sana nito umupo sa gilid ko kaso hinarangan ko gamit ang aking paa.


"Doon sa unahan ang upuan mo gago!" Tinulak ko ito paalis sa tabi ko.


"Paupo lang, si Creselia nga pinapaupo mo sa tabi mo e, paano naman akong main lead mo." Mayabang na saad nito bago ayusin ang buhok na nakatakip sa mata niya.


Inirapan siya ni Creselia. "Tanong mo sa aquaflask mo na pinahiram ng kapitbahay niyo." Singit ni Creselia.


Napahawak sa dibdib si Clark. "Ehem, binigay ho ito, hindi hiniram." Sambit niya rito. "Ganiyan kalang porket hindi ka binigyan." Pang-aasar nito.


Magkalapit lang kasi ang bahay nila, kaya impossible hindi nila makita ang isa't isa. Ewan ko ba sa dalawa na 'yan, palagi nalang nag-aaway.


"Pakisabi sa nagbigay niyan, bayaran muna ang utang sa tindahan namin bago mamili ng ganiyan!" Bulyaw niya kay Clark. "At ikaw 'yung nips na binili mo last year, hindi mo parin nababayaran!"


"Aguy, 'di nag babayad ng utang." Singit ko sabay binigyan siya ng nakakalokong ngiti.


Sinamaan ako nito ng tingin, hindi ko tuloy maiwasan matawa nang mag-iba ang itsura nito.


Ibinababa niya ang pinagyayabang na Aquaflask bago dumukot sa bulsa niya. "Magkano ba 'yung nips? Pakibilisan, name your price." Mayabang na saad nito.


"Nips lang babayaran mo? Isama mo narin 'yung utang mo n-"


"Gago, tagal na nun!" Putol nito.


Papalit palit ang tingin ko sa dalawa. Hindi ko nga alam kung saan ako titingin. Walang tigil sila sa pagbubulyawan sa isa't isa.


Biglang nag vibrate ang phone ko kaya dali-dali ko 'yong kinuha.


From: Unknown number.

Nandito na kami sa lumang building.


Pagkabasa ko nun agad na ako tumayo para hilahin si Creselia palabas. Gulat na gulat pa nga si Clark nang gawin ko 'yon. Hindi pa kasi sila tapos mag-away. Nagkakasingilan na nga e.


"Teka, hindi ko pa nga nakukuha ang bayad nun!" Reklamo ni Creselia, balak pa bumalik pero hinila ko lang siya.


"Nag text na sa akin 'yung bagong kaaway natin, nasa lumang building na daw sila.." Saad ko habang hinihila siya.


Natigilan si Creselia at agad ako binatukan. "Inamo, anong kaaway natin? Kaaway mo lang 'yon. Dinadamay mo na naman ako." Naiirita na sagot nito.


Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon