Chapter: 38

488 21 0
                                        

I was walking out of the classroom when I felt someone following me.



Hindi ko makakasabay si Creselia, cleaners siya e. Ang dalawang tukmol naman na ka row ko ay nauna na lumabas. Nagpahuli lang ako kasi balak ko sana hintayin si Creselia kaso pinauna na ako.



Sinubukan ko lingunin kung sino ang nasa likuran ko. Na curious lang naman ako, papunta kasi ako sa Cr, tapos may nakasunod parin? Siguro sa cr rin ang punta nito.



Paglingon ko si Kevin pala 'yon. Seryoso ang mukha niya nakasunod sa akin. Hindi siya nakatingin sa gawi ko pero ang mga hakbang nito ay papunta rin sa dinadaanan ko.



Agad kumunot ang noo ko. Ang cr na pupuntahan ko ay wala nang ibang dadaanan palabas, kaya agad ako napatigil sa paglalakad.



"Sinusundan mo ba ako?" Taas kilay na tanong ko sakaniya.



He stopped but did not glance at me. Nakahawak lang ito sa strap ng bag niya. "Nope, dito rin ako dadaan palabas." Supladong saad niya.



I bit my lip to stop laughing at his answer. "Really? Sa restroom ka pala ng girls lumalabas?" I chuckled.



Napalibot siya ng paningin at agad tumingin sa gawi ko. His face suddenly turned red and he quickly turned his back on me, walking back to where we came from earlier.



Nang makaalis ito, doon na ako humagalpak ng tawa. Lutang amp, nahahawa na siya kay Josh. Baka naman nag-away sila ni Sunny kaya lutang ang pag-iisip niya.



Kumakalat kasi na nagsisimula na raw mag date sina Sunny at Kevin. May nakakakita daw kasi na magkasama sila sa isang restaurant kasama ang pamilya ni Sunny.



I don't care if they go on a date, that's good, so Sunny won't bark anymore.



Matapos ko mag Cr. Naglakad na ako palabas ng building. Sinasamaan ko lang ng tingin ang mga nadadaanan ko. Epal kasi, panay tingin tapos biglang magbubulungan.



"Hoy babae!" Agad ako napalingon nang tawagin ako ng isang babae na kulang naman mag pa pageant sa make up nito.



Siya ang babaeng sosyalin slash pakialamera sa pakikipag-away ko.



She walked closer to me, hearing the sound of her heels. "Musta na, hindi kaba mag papasalamat sa ginawa ko noon sayo?"



Napaismid ako rito at mabilis siya inirapan. "At bakit ko naman gagawin 'yon? E' dahil sayo kaya naudlot ang away namin!" I sneered at her making her eyes widen.



"Hey! That's rude!" She crossed her arms over her chest. "Ikaw na nga tinulungan, ikaw pa ang galit!"



"Sino ba may sabi sa 'yo na kailangan ko ng tulong, ha?!" I asked arrogantly while bumping into her shoulder.




Agad siya lumayo sa akin at tinignan ako na parang nandidiri. "Ano ba! Lumayo ka nga, kaunti nalang talaga iisipin kong type mo ako." Maarteng saad nito na mas lalo ikina-asim ng mukha ko.



"Yak! Labanan mo nga pag-iisip mo! Nakakadiri ka!" Hinampas ko siya sa braso kaya agad siya napadaing.



"Gago masakit," Sabay ganti rin niya kaya ako naman ang dumaing.



"Sinabi ko bang gumanti ka, ha?!" Pabiro ko hinila ang buhok nito. "Ano gusto mo ba mas malala gawin natin dito?"



Mabilis niya ako tinulak palayo, inayos niya agad ang nagulo niyang buhok. "Tumigil ka nga!" Inis na sabi nito.



"Ikaw nanguna." I rolled my eyes.



Napasinghap ito. "At ba–"



"Alyssa.." Sabay kami napatingin ng babaeng sosyalin kay Kevin na seryoso lang nakatingin sa amin.



"Woy, Kevin!" The woman immediately came and slapped his back. "Musta na, kilala mo pala 'to?" Sabay turo sa akin.



Magkakilala sila? Hindi ko alam na may kilala pala si Kevin na ganito ang ugali, sabagay si Sunny rin ganito, kaso hindi naman mukhang sosyalin 'yon, mapang-panggap lang.



"Miracle," Mahinang tawag nito. "Why are you here? Where's you–"



"Nauna na sila umalis, 'yung pinsan mo sinundo na naman ng mga fafables." Kinikilig na saad nito. "Ang daya nun, hindi namigay." She pouted.



"E' di sana kumuha ka ng isa." Singit ko sa dalawa. "Bobo mo naman, puro ka kaartehan." Dagdag ko.



"Paano mo 'to nakilala? Ang sama ng ugali amp!" Tanong nito kay Kevin bago ako inirapan.



"Tanong mo sa mama mo." I turned my back on them and started walking away again.



I'm just wasting my time with those people. Atsaka, paano napunta si Kevin doon? Akala ko naman nakaalis na siya.



I felt that someone was following me again so I looked at him annoyed. Familiar na kasi kung sino.




"Oh, ano na naman?!" Inis na tanong ko kay Kevin.



"I saw Kuya Erning, he ordered me to tell you that he's already there. Kaya sinisigurado ko kung talaga pupunta kana doon." Mahinahong saad nito, tumabi na siya sa akin at sumabay maglakad.



Si Kuya Erning? Napaka mainipin naman ng siraulo na 'yon! Talagang si Kevin pa ang inutusan niya. E' pinapalayo na nga ako ni Kuya sa lalaki na 'to.



Hindi ako umimik, mas binilisan ko ang aking lakad papunta sa parking lot. Sinubukan ko ulit lingunin kung sumunod parin siya pero wala na ito ngayon sa likod ko.



Pagdating ko sa parking lot, nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Kuya Erning.



"Ang tagal mo naman senyorita!" Nagkamot ito sa ulo. "Kanina pa ako dito e'"



Agad ako lumapit para batukan siya. "Isusumbong kita, kala mo ah!"



Napakurap ito ng tatlong beses, naguluhan bigla sa sinabi ko. "Ano naman ginawa kong kasalanan, aber?"



"Bakit mo inutusan si Kevin na puntahan ako? Hindi ba sinabi na ni Kuya na wag ako lalapit don?" Inis na tanong ko rito at muling binatukan.



Mas lalo kumunot ang noo nito. "Huh? Wala akong inutos na ganun. Ni hindi ko nga nakita 'yon!"



Noo ko naman ang nakakunot ngayon, bigla ako naguluhan.



"Sabi ni Kevin e' siya mismo nag sabi na Ikaw nag-utos." Pagpipilit ko.



Hindi ako pwedeng nabingi lang, dahil sobrang linaw ng pagkarinig ko kanina.



"Wala nga ako sinabi, atsaka kung makita ko ang bata na 'yon, hindi ko uutusan para lang hanapin ka." Naiiling na saad nito.



So nagsinungaling si Kevin?



Aba siraulo 'yon! Hindi pa nga ako tapos makipag hampasan sa babaeng sosyalin na 'yon tapos biglang e-extra amp! Kulang sa pansin.



At bakit niya naman gagawin 'yon? Ano ba problema ni Kevin? Nasobrahan siguro sa pag-aaral kaya kung ano ano na pinag gagawa sa buhay.

🍃🌷🍃

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon