Chapter: 13

442 29 0
                                    

"Alyssa," Inis ko nilingon si Kevin. Panay kasi ang sunod, naiinis na ako.



Dalawang araw ko na siya iniiwasan. Tinatamad akong plastikin siya. Naiinis parin kasi ako sakan'ya.



Nakailang palit siya ng simcard. Kabisado ng hatdog na 'yon ang number ko. Sa susunod, bibili ako ng bago. Tinatamad pa ako bumili kaya mag titiis muna ako dito.



"Are you still mad?" Parang nagmamaka-awa ang mukha nito.



Inis ako napakamot sa kilay. Nakakasawa na ang tanong niya. Bawat mag kikita kami bigla ako haharangin para tanungin ng ganoon.



"Tanong mo manager ko." I rolled my eyes.



"You don't have manager, Alyssa." Nanatili siyang kalmado pero ang mga mata nito ngayon ay namumungay na.



"E' di wala kang tatanungan! Wag mo kasi ako kausapin!" Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at mabilis naglakad palayo.



Akala ko hinayaan na ako makaalis kaso mabilis niya ako hinarangan. "Alyssa, please. Talk to me." Hinihingal na saad niya.



"Inamo!" Singhal ko rito. Dumaan ako sa gilid sabay tumakbo na.



Nakakainis talaga. Bakit ba ang kulit niya? Buti sana kung kasama niya si Sunny baka kanina ko pa siya nilandi para painitin ang ulo ng babae na 'yon.



Nabalitaan kong napapagalitan daw si Kevin ng may hawak sakanila para quiz bee. Lagi daw tulala, hindi makausap. Nawawala daw lagi sa focus. Ewan ko sa lutang na 'yon.



Akala ko madami siyang time, 'yon pala umaalis agad siya praktis nila para lang guluhin ako. Naiirita na nga ako e.



Nang makalayo ako kay Kevin, naisipan ko muna mag libot habang vacant pa. Baka makita ko lang ulit si Kevin pag pumunta ako sa room.



"Sup," Bati ni Clark, hinampas pa ako sa noo. Psh bastos 'tong hinayupak na 'to.



"Oh?" Pag-tataray ko.



"Woah, ang ganda?" Napahawak pa ito sa bibig n'ya habang tulala nakatingin sa akin.



"Well, ehem. Bihi-"



"Tanga, hindi Ikaw. Tabi nga d'yan" Mahina nito tinulak ang balikat ko at nilagpasan lang ako.



Pag-lingon ko sa likuran, nakita ko si Carl may dalang butterfly..powta. Saan na naman nakuha 'yon?



"Nice bro, new pet mo?" Tanong ni Clark kay Carl na inilalapit ang butterfly sa mukha sabay hinalikan na parang gago.



"Yap, say hi to my mermaid!" He answered, nilapit pa nito ang daliri kung saan doon nakapatong ang butterfly.



Butterfly tapos Mermaid ang pangalan. Patawa ang haup. Paano ba sila ginawa ng magulang nila? Saludo ako sa magulang nila, nagawa sila palakihin.



"Hi, Mermaid. I'm Clark!" Kumaway pa siya habang nakatitig sa alaga ni Carl.



"Mga bubu" bulong ko, pero sabay sila napatingin sa pwesto ko at sinamaan ako ng tingin.



"Ano sabi mo?!" Pinalagutok ni Clark ang kaniyang mga daliri, kaso habang ginagawa n'ya 'yon bigla nadali ni Clark si Carl, kaya ang alaga nitong butterfly, biglang lumipad.



Nataranta si Carl nang makita niyang papalayo na ang kaniyang alaga, habang si Clark naman mukhang tanga na patalon talon at pilit inaabot ang paru-paro na nakalipad.



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon