"Beh, kita mo 'yon? Ampogi 'no?" Napunta ang paningin ko sa isang babae na may tinuturo habang hinahampas ang katabi nitong may hawak na libro.
Dahil doon ibinaba ng babae ang libro at nakita ko ang familiar niyang mukha. Teka, saan ko nga ulit siya nakita? Hindi ko na maalala.
"Ano na naman 'yan?" Inis na tanong nito sa kaibigan niya.
Malapit lang ang table namin kaya halos marinig ko na ang mga pinag-uusapan nila. Nandito kami ngayon sa cafeteria, sinamahan ko lumamon si Creselia. Boring rin naman kung mag stay sa room, wala doon ang mga pinag ti-tripan ko.
Competition nila Kevin ngayon, nakinood ang mga galamay niyang patay na patay sa kan'ya. Wala naman ako balak sumama doon, kahit nag text si Kevin na pumunta ako.
Ano akala niya pagbibigyan ko siya? Ha! Kapal ng face ni Koyah niyo Kevin.
"Nakita mo ba?" Tinulak tulak siya nung babaeng akala mo may pa rampa sa pageant. Pucha, dang kinang ng suot, maski 'yung necktie niya naging ribbon. Buti hindi siya napapagalitan. May sarili siyang dress code, pero naka uniform pa naman kaso pinabongga niya.
Nakita ko ang pag iling nung kaibigan niya, napasimangot tuloy si expensive girl.
"Alam mo ang bonak ng mata mo, mag sama nga kayo ni Karina!" Maarteng saad niya. "Pero girl, ang pogi niya talaga. Feeling ko siya na beh." Ang kaninang nakasimangot nitong mukha ay bumalik sa pagiging kiti-kiti.
Para siyang uod na nilagyan ng asin.
"Puro ka siya na, siya na. Ang huling sinabihan mo nun, iniwan kana." Bulyaw nito, sabay kamot sa ulo.
Napa crossed arm ang babae sabay tinaasan ito ng kilay. "Excuse me, binalikan niya ako!" Napatakip siya sa bibig, pinipigilan mapatili. "Kaso hindi pa kami nag uusap, closure daw beh." Kung kanina bibig ang tinakpan niya, ngayon mukha na. Parang umiiyak na ata.
"Bobo mo, Miracle." Umirap ito sabay tumalikod para hindi makita ang mukha ng kaibigan niya.
"Woy, kanina kapa tumitingin diyan? Wala naman silang pagkain." Siniko ako ni Creselia, wala sawa kumain.
"Nakikichismis lang, puro ka lamon! Hindi na kita makausap." Umirap ako sabay ininom ang juice.
"Bakit kasi hindi ka sumama sa iba nating kaklase, nandoon 'yong crush mo." Pang-aasar niya.
Inismaran ko siya agad nang sabihin niya ang isang kasinungalingan na kumakalat sa classroom namin.
Duh, hindi ko naman gusto 'yon. Sadyang ginagamit ko lang si Kevin para maasar ang mga babaeng patay na patay sakan'ya.
Hindi ko nga alam kung bakit ang dami niyang fangirls. Siguro dahil gentleman, matalino, gwapo, mabait at higit sa lahat maasahan sa lahat si Kevin. Masyado rin inosente ang lalaki na 'yon, puro ata aral ang alam. Wala nang pakialam sa lovelife.
Tsk, paano naman akong walang pakialam sa lovelife pero bonak parin. Wala ako magawa sa buhay kundi sirain ang araw nila.
Pero nakakaenjoy.
"Ewan, baka hindi siya makapag focus pag nakita niya ako." I smirked.
Napangiwi si Creselia sa sinabi ko. "Lintek. Kadiri ka naman Alyssa!" Umirap muna siya bago kagatin ang huling piraso ng burger niya.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
JugendliteraturNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
