"Hi senyorita!" Kumaway kaway si Kuya Erning sa akin nang makita ako papalapit sa sasakyan.
Nakasandal ito, nakashades pa ang siraulo. Kumikinang ang ulo niya gawa ng sinag ng araw. "Bakit mata mo ang naka shades? Hindi 'yang ulo mo?" Kunot noo na tanong ko. "Mas mukhang nasisilaw 'yang ulo mo e." Umikot ang mata ko bago siya itulak paalis sa pintuan. Sumakay na ako baka gumanti e.
Akala ko hindi na gaganti, kaso inunahan sarhan ung pintuan ng kotse muntikan na maipit paa ko. Ang lakas pa nang pagkasara.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya. "Angas mo ah, ibabangga ko 'to." Pananakot nito, sinumulan na buksan ang makina.
Tumaas ang kabilang kilay ko, sumandal ako sa upuan bago tumawa nang peke. "Ako ipagdrive mo diyan, diretso impyerno kana pag mulat ng mata mo." I smirked.
Nag iba ang mukha nito, biglang kinabahan. "Wooh! Umagang-umaga." Bumuga siya sa hangin, nagsimula na mag drive palabas ng subdivision.
Natawa nalang ako at iniwas ang tingin sakan'ya. Sa bintana ako sumilip, naiirita ako pag kay Kuya Erning ako tumitingin. Tinititigan ko palang siya, naiinis na ako.
Napunta lang ang tingin ko sa aking cellphone nang bigla ito tumunog. May nag text na naman. Kung hindi lang ako mahilig mag order, hindi talaga ako gagamit ng sim. Ang daming nag nag te-text sa akin, hindi ko naman kilala.
Nangunguna sina Clark, Carl at si Kevin sa mahilig mag text. 'Yong dalawa puro kalokohan lang ang alam, pinag ti-tripan na naman ako.
From: Unknown number.
- Clark 'to
- Save mo number ko.
- New number ko 'to, Ikaw palang nakakaalam
- ang swerte mo tanga!
Agad kumunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Clark. Mukhang nag palit na rin siya ng number ah. Ano trip niya? Minura pa ako ng gago na 'to.
To: Unknown number.
- so?
- mamaya naka block na 'yan sa akin.
Pagkatapos ko I type 'yon, balak ko sana ibalik sa bulsa ko pero agad nag reply si Clark.
From: Unknown number.
- Grabe ka beh.
Muli umikot ang mata ko bago mag tipa ulit.
To: Unknown number.
- one dot lalagay ko 'yang bagang mo sa lalamunan.
Pagkatapos ko i-type 'yon, nilagay ko na sa bulsa ang aking phone. Mamaya ko nalang iblock, tinatamad pa kasi ako.
"Mukhang may ka talking stage ka, senyorita. Sa una lang 'yan." Natatawang umiiling iling siya habang nakatingin lang sa unahan.
Pinagsasabi neto?
"Wala ako nun," sagot ko.
"Siya ba 'yan?" Saglit niya ako tinignan bago tumingin ulit sa unahan.
Inismaran ko siya. "Sino ba?! Hindi ako manghuhula, ha."
"'Yung Kevin mo."
Pota. Kevin pa nga. Bakit naman nasali sa usapan 'yon? Pakialam ko kay Kevin.
"Eww," napangiwi akong tumingin sa kan'ya.. "I don't like him, alam mo 'yan." Saad ko rito.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
