"Tabi, harang amp!" Inis ko binangga ang isang babae nang humarang ito sa dinadaanan ko.
Kakatapos lang ng academic break namin ng isang linggo. Wala naman ganap ng isang linggo na 'yon. Tumulong lang ako sa restaurant nila Kuya tapos humilata at lumamon sa sumunod na araw.
Sinulit ko talaga ang araw na 'yon. Bago kasi mag academic break nakipag-angasan pa ako sa mga naka-away ko sa school. Madami rin pinagawa sa amin kaya nakakapagod rin.
"Sungit naman non." I heard a student whisper as I passed.
Hindi ko na binigyan pansin, baka umiyak pag pinatulan e'.
"Woy, si bossing pala 'to e!" I was about to enter the classroom when Clark appeared in front of me. "Musta bossing long time no see!" Balak pa sana niya makipag apir kaso agad niya rin ibinaba ang kamay nang mapansing wala akong balak makipag apir.
"We just met at the restaurant yesterday." Inirapan ko siya.
"Ganiyan talaga pag na miss ka." Pang-aasar ni Carl habang tinulak tulak si Clark. "Hashtags Alark forever." Nag finger heart pa ito.
"Gagu, sino may dala ng alak?" Lutang na tanong ni Josh, nakatingin sa phone. "Naneto ng mga 'to, mga bad influence."
I just shook my head at what he said and bumped into their shoulders so I could pass through the middle.
"Mhie!!" Creselia shouted, holding a donut. "Musta na, namiss kita." Yumakap pa ito na parang ilang araw hindi nag kita.
"Parang hindi nagkita nung sabado amp!" Mahina ko siya tinulak bago ito pabiro hinila sa buhok. Nilagpasan ko na ito para maupo sa upuan ko.
"Luh, panira ka ng moment." Umirap ito at sumunod sa akin.
I sat next to Carl. I'm not sitting behind that goddamn Kevin anymore. Lumipat ako ng upuan noong kinabukasan na sinumbong niya ako sa teacher.
Nagising na ako, nakakadiri pala ang mga pinag-gagawa ko para lang mapansin niya. Kinilabutan tuloy ako. Nakamove on narin ako, siguro simpleng crush lang ang maramdaman ko noon.
Wala na akong pakialam sakaniya, ni hindi ko na nga siya kinakausap. Maski pag sulyap sa lalaki na 'yon ay nahihirapan pa ako dahil ayoko nga siya tingnan.
"So girl, I have a chismis." Umupo si Creselia sa upuan ni Carl.
Kumunot ang noo ko. "Tungkol 'yan sa estudyante sa kabilang section na pinagpalit ng boyfriend sa kaibigan 'no?" Mabilis na sagot ko at tinuro siya.
She held his mouth "Mhie, paano mo nalaman?!"
"Gago, nagpaparinigan sila sa facebook." Nilabas ko ang cellphone ko at ipinakita kay Creselia ang shared post nung pinagpalit. "Beh, minention ko 'yung pinalit dito e." I chuckled.
"Kaya pala lalong lumala ang away kasi minention mo 'yung pinalit sa shared post nung pinagpalit." Binatukan ako nito. "Inamo talaga." Lumakas ang tawa niya.
"E' puro sila parinig, ayaw i mention kung sino." Natatawa kong kinuha ang phone ko. "Ano pm ko naba? Sabihin ko mukhang kiki si–"
"Alyssa." I was stunned when Kevin suddenly called my name.
Inis ko inangat ang tingin ko rito. Malamig parin ang tingin nito sa akin pero wala akong pakialam. "Oh, ano?" Supladang tanong ko.
He handed the paper to me. "Your answer she–"
Before he could finish what he was going to say, I immediately took the paper so he could leave. Creselia and I were having a nice conversation and then he suddenly interrupted.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Roman pour AdolescentsNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
