Chapter: 35

438 27 1
                                    

"Sure kaba kaya mo na pumasok?" Pang ilang tanong ni Kuya Erning sa akin. Hanggang sa makasakay kami sa kotse, nag tatanong parin.



Inis ko siya inirapan. "Oo nga," walang ganang wika ko rito bago isuot ang seatbelt.



Kahit isang araw lang ako hindi pumasok, bored na bored na agad ako. Dati naman halos kulang pa sa akin ang tatlong araw na pahinga sa tuwing dadapuan ako ng lagnat.



Pero ngayon kasi hindi e' atsaka nakakainis si Kevin, sabi niya bibisitahin niya ako. Pero dumaan ang isang araw hindi manlang nag paramdam. Sinubukan ko siya itext pero walang reply.



Ano kaya nangyari doon? Siguro nilalandi na siya ni Sunny pati 'yung Shane na hudas na 'yon. Galit na galit ang bruha nang malaman nakasabit ang bag niya sa building.



May nagsumbong kasi kaya nalaman ni Shane.



Tapos si Creselia naman bumisita kahapon, ayaw pa ako papasukin. Baka daw may after shock pa mangyari, siraulo talaga ang babae na 'yon.



"Ingat ka Senyorita!" Kumaway muna si Kuya Erning nang makababa ako sa kotse bago siya umalis.


Tipid lang ako ngumiti nang makaalis ito. Taas noo akong naglakad papunta sa classroom namin, hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga estudyante sa akin kahit sobrang sama na sila makatingin.



"Siya ba 'yon?" Narinig kong bulong ng isang estudyante.



Nang tumingin ako sakaniya agad siya nag-iwas tingin. Sumunod ang isang estudyante na pasimple bumulong sa kaibigan niya habang naglalakad paalis.



Sa bawat hakbang ko papunta sa aming classroom, hindi ko mapigilan makaramdam ng kaba. Para lahat ng lamig ay sa akin napunta habang naglalakad ako.



Papasok na sana ako sa classroom nang makasalubong ko si Kevin, kasama si Sunny. Nag-uusap sila habang palabas, natigilan lang nang makita nila ako.



"Kevin," tawag ko rito pero isang malamig na tingin lang ang binigay nito sa akin.



Parang lalo akong kinabahan, ramdam kong may mali. Bakit ganito siya makatingin ngayon? Nasaan na ang malambot at inosenteng tingin niya sa akin? Bakit iba ang nakikita ko ngayon.



Napadako ang tingin ko kay Sunny, pinipigilan niya tumawa pero nanatiling na kay Kevin ang tingin niya.



Dapat pala hindi nalang ako umabsent kung ganito lang ang maabutan ko.



"Excuse me." Binangga ni Kevin ang balikat ko na parang hindi ako kilala.



Maski si Sunny dinaanan narin ako saka dumikit kay Kevin para ipakita muli ang papel na kanina pa nila pinag-uusapan.



Nakaawang ang labi kong tumingin sakanila. Balak ko sana ako sila sundan pero isang kamay ang pumigil sa akin.



Kamay ni Josh. "Huwag mo na sundan, pumasok kana." Tipid na ngiti ang binigay nito bago ako hilahin.



Pagkapasok ko naging tahimik ang mga kaklase kong maingay kanina. Masamang tingin ang binigay sa akin, maliban kina Creselia na may pag-alala sa mata.



Paupo na sana ako pero agad tumayo si Shane at hinarangan kami. "Oh, Josh. Bakit ka dumidikit diyan? Baka gamitin ka rin niyan." Taas kilay na saad ni Shane, nakangisi na siya ngayon nang dumako ang tingin niya sa akin.



Agad ako tumingin kay Creselia nang sabihin 'yon ni Shane. Paano niya nalaman? Alam na ba ni Kevin kaya ganoon ang pakikitungo niya sa akin?



Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon