"Bakit kailangan pa kami kasama?" Kunot noo tanong ni Kuya habang tinitignan ang camera na inaayos kong nakapatong sa center table namin.
"Oo nga naman, nanahimik kami dito e'" nag kakamot lumapit si Kuya Erning habang nakabusangot.
Nilingon ko sila at masama tinitigan kaya nanahimik sila bigla. "Kailangan 'to, may malaking grand price kung sakali mapili ako dito." Pagsisinungaling ko, pinipigilan tumawa. "Ang need lang dito is, mag mukha tayong kawawa para mapili ako"
Sabay sila nagtinginan. "At anong promo naman 'yan?" Sabay nilang tanong.
Sinigurado ko muna 'yung camera kung nag rerecord na. Tumingin ako sakanila at inilagay ang kamay sa bewang. "Pag napili ako, pwede na tayo makapunta sa ibang bansa, kahit saan man natin gugustuhin!"
Nanlaki ang mata ni Kuya. "Seryoso ba 'yan?"
Umayos rin ang upo ni Kuya Erning. "Oo nga, seryoso ba talaga?"
"Bukod pa doon, may pa mansion at Lamborghini." Pumalakpak ako. "Kaya nga kailangan natin galingan umarte, ako na bahala sa script." Umupo ako sa sahig kung saan nakatapat ang camera.
Bale nasa sofa sila habang ako ito nasa sahig, pero nasa gitna lang nila ako.
"Mukhang tayo papaniwalaan" sabi ni Kuya Kiel
Umangat ang tingin ko sakan'ya. "Mag hubad kayo, kunwari wala kang damit kasi ginawang basahan, sabihin ko nalang hindi mo deserve suotan ng dami- aray ha!" Daing ko nang bigla ako batukan, hindi manlang ako pinatapos.
Dahil uto-uto sila, hinubad na ang pang-itaas at nag simula na mag seryoso habang nakatingin sa Camera. "Simulan mo na" bulong ni Kuya Erning. "Excited na ako makuha 'yong grand price." He added.
"Wala ba silang second place price?" Pahabol na tanong ni Kuya Kiel.
"Meron" mabilis na sagot ko, hindi na sila hinarap. "Rice cooker." Gusto ko sana tumawa kaso baka hindi nila paniwalaan.
Narinig ko ang mahinang pag rereklamo nila kaya napakamot na ako sa ulo, hindi ko na magawa-gawa 'yong plano na gagawin ko ngayon.
"Simulan na natin, tumigil na kayo diyan." Saway ko sa dalawa na hindi parin matanggap na rice cooker ang isang price. Hindi nila alam, pinag ti-tripan ko lang naman sila.
"Okay, ready na kami!" Masiglang sambit ni Kuya Kiel.
"Galingan mo Alyssa!" Tinapik ni Kuya Erning ang balikat ko.
Nag kunwari akong kinakabahan, while shaking my hands.
"1...2...3..." I whispered while counting. "Hi, good evening. I'm Alyssa Faye Perez" pag papakilala ko sa camera, flashing my fake smile.
"Sumali po ako, para maidala doon ang dalawang kuya ko sa likuran." Umangat ang tingin ko sakanila. "....sila ang dahilan kung bakit ako nandito, nandyan sila para alagaan at protektahan ako." Madam-daming sabi ko habang pinapatono ko ang boses ko sa paiyak na tunog.
Napansin ko ang teary eyes ni Kuya Kiel, Ewan ko kung umaarte ba siya or totoo pero pansin ko hindi ito scripted.
Umarte akong may luhang pinupunasan. "Gagi naiiyak ako." Tumingala ako habang pinapay-payan ang sarili.
Napasinghap ako nang bigla ihilamos ni Kuya Erning ang t-shirt nito sa mukha ko. Kaya ayon, nasiko ko siya sa binti.
"So, 'yun na nga po. Naalala ko po noong bata ako, ayos lang sakanila na hindi sila makakain basta makakain lang ako." Pag kwe-kwento ko, sumisinghot-singhot pa ako.
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
