Chapter: 14

440 30 0
                                    

"Bambarambadam! HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!" Muntikan na ako mahulog sa kama nang bigla ibagsak ni Kuya Kiel ang kaserola.

Kasama niya si Kuya Erning.

"MALIGAYANG BATI~" pagkanta rin ng lalaking sa likod niya.

"Eto ang araw na pinanganak ang de-mon-nyi-ta~" sabi nito pero pakanta ang ginawa.

Napasandal ako sa headboard at nakasimangot ako habang pinapanood sila. May dala si Kuya Erning na cake, may mga suot silang party hat. Mukhang tanga sila nag sasayaw habang kumakanta.

"HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!" Lumapit si Kuya Erning dala ang cake. Itinapat ito sa akin para ipahipan ang kandila.

Umangat ang tingin ko sakanila. Ngiting ngiti sila habang tinitignan ang reaksyon ko. Hindi ko maiwasan ma touch sa ginawa nila kahit nakabulabog sila ngayong umaga.

"Make a wish, bunso!" Parang tangang tumalon si Kuya naglakad palapit sa amin.

Napakamot ako sa ulo na lumapit sa cake. Ipinikit ko ang aking mata at nag simula na mag orasyon sa utak.

Sana magkaroon ng utong si Sunny sa noo at dalawang betlog naman kay Clark. Sana rin Hindi na ako guluhin ni Kevin, at maging seahorse rin sana si Josh.

Saglit kong iminulat ang mata ko para tingnan ang dalawang tanga. Hindi na sila nakatingin sa akin, kundi sa cake na.

"Sana ang dalawang lalaking nasa harapan ko ay magkahanap nang lovelife, pero sa panaginip muna." Pinarinig ko talaga sakanila sabay hinipan ang kandila.

Pag-angat ng tingin ko. Nakasimangot ang dalawang tanga. Mukhang hindi nagustuhan ang winish ko. Ayaw nila non? Sa panaginip lang sila may bebe.

"Kung hindi mo birthday, baka tinadyakan na kita nang pabalik balik." Saad ni Kuya Kiel, nakasimangot na.

"'Yon lang gagawin mo? Ako aapakan ko sa puson." Sabat ni Kuya Erning.

"Haha, funny niyong dalawa. Sana last day niyo na ngayon." Umalis ako sa higaan para lumabas na. Walang hilamos hilamos, kakain na agad ako.

Mabuti nga saktong walang pasok. Wala rin akong sinabihan na kaarawan ko ngayon. Parang normal day lang naman 'to para sa akin.

Nasanay ako na hindi nag ce-celebrate ng kaarawan. Hindi nga maalala ng magulang ko ang araw ngayon. Wala sila pakialam. Panay lang ang trabaho ang alam nila. Ni hindi nga nila ako matanong kung kamusta ang pag rerebelde ko sakanila.

Pag mag uusap kami, sermon lang naabutan ko. Palagi nalang sermon, kaya mas mabuti kung hindi na sila umuwi. Ibigay nila sa akin 'yung bahay isama din sana ni Daddy 'yung kotse niya.

Nangunot ang aking noo nang makarinig ng ingay nag mumula sa salas. Parang mga nakawala sa lungga e. Sinilip ko muna kung sino ang mga 'yon.

Pagkita ko, nandoon si Creselia. Kasama ang tatlong timang. Wala na si Raph, nasa probinsya na. Kaya ang tatlo timang nag luluksa tuwing nasa classroom kami, hawak pa ang picture ni Raph.

"Par, Ayan na siya!" Patingkayad tumakbo si Josh nang makita ako. Hindi ko napansin nakasilip pala sa gawi ko.

Bigla kinuha ni Clark ang gitara niya nang makita nila akong pababa. Halos hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sakanilang apat. Maski si Creselia naka party hat. Halos lahat naman sila e.

"Ehem, ehem oh ilaw~" pagsisimula ng kanta ni Clark.

"Oh ilaw~" pag sesecond voice ni Carl.

"Sa gabing madilim~" medyo napiyok pa si Clark sa part na 'to.

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon