"Ito kasi, sabi niya..ako daw ang sinabihan!" Miracle pointed at me, may bangas sa pisngi dahil sa pakikipag away.
Karina looked at me and immediately pinched my ear. We are at the clinic today, a woman with glasses is also here, nakatitig lang siya sa pwesto ko.
"Alam mo namang uto-uto ang babae na–"
"Hindi ko alam." Mabilis na sagot ko.
Karina stopped for a moment and pinched me again, napadaing tuloy ako. "Aray naman! E' Sabi nila malandi daw, sakto nandoon 'yang babae na 'yan kaya akala ko siya ang tinutukoy." Pag-tanggol ko sa aking sarili.
Our Christmas break ended quickly, nothing much happened. Nag celebrate lang ako na may kasama na ngayon. Mabuti nalang nag sarado ng restaurant si Kuya nung Araw na 'yon kasi kung hindi, wala akong kasama sa araw ng pasko at bagong taon.
Tapos kakapasok ko lang ng gate, may babae agad na nagbubulungan malapit sa tabi ko. E' saktong nandoon din si Miracle, kaya bilang mabait na estudyante sinumbong ko, kaya ayun nakipag away pa siya.
Ako pala sinabihan, akala ko si Miracle. Siya kasi ang natamaan, hindi ako. Kilala ko na ang babaeng sosyalin na 'to. Nalaman ko dahil kay Kevin at Karina.
Nang malaman nila nakipag away si Miracle, sumunod ang dalawang kaibigan nito, which is si Karina at 'yung isang babaeng may suot na salamin.
"Wow, Karina. Sayo ko pa talaga narinig 'yan, ha!" Bulyaw ni Miracle habang dinadampian ni Creselia ng Bulak sa pisngi. "Aray, ingat naman." She complained.
"Basta libre mo ako pagkatapos nito." Siraulong saad ni Creselia.
Napangiwi si Miracle. "Wow, may kapalit pala." Sabay irap niya rito.
Kaya 'yan ginagawa ni Creselia para makalibre. Alam niyang galante 'tong babae na 'to. Kaya gagawin niya ang lahat para makakain lang, akala mo hindi pinapakain e.
"Oo, kung wala edi sana hindi ko 'to ginagawa, atsaka ang dami mo nang utang na loob sa akin. Naresbak ako minsan sainyo!" Sumbat niya rito.
May kumalbit sa akin, paglingon ko nakita ako ang babaeng kaibigan nila na nakasalamin mukhang study first.
Nakangiti niya inilahad ang kamay niya. "Hi, Alyssa! I'm Hari!" Pakilala niya, nakangiti.
At first I thought this girl was a mysterious student because she often had a book in her hand. May araw na nag-kakasalubong kami kaya parang naging familiar narin siya sa akin.
Atsaka nung nakaraang linggo, hinarangan ako ni Miracle kasama rin sila, dumaan din noon si Kevin, parang kilalang kilala nga nila ang isa't isa, may pahampas pa sa likod.
Hindi kaya, siya ang bagong babae ni Kevin? Parang normal lang kasi sakanila ang mag hampasan, si Sunny nga pabebe pa kahit ilang years na silang magkaibigan paano pa kaya 'to?
"Ah, ikaw 'yung babae ni Kevin." Walang preno na saad ko.
Napa-awang ang labi nilang tatlo, they looked at each other before laughing.
Creselia and I immediately frowned, being weirded out by these three girls. Sa susunod na makikita ko sila, matututo na ako umiwas.
"Ano nakakatawa?" Tanong ko sakanila na kanilang ikinatigil.
"Anong babae? E' may jowang red flag 'yang si Hari." Napatingin ako kay Miracle na mas lalo lumakas ang tawa.
Ano nakakatawa don? Pero wait, may jowa na 'tong Hari? So, hindi siya ang babae ni Kevin?
BINABASA MO ANG
Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)
Teen FictionNot An Angel Series # 4 (Completed) Alyssa Faye Perez was just born into this world to annoyed the people around her. Siya yung tipong babae na sobrang layo sa ibang babaeng hindi makabasag pinggan. But one guy came into her life who gave her a head...
