Chapter: 46

514 23 0
                                        

Sis, kita mo 'yon?" Turo ni Miracle sa lalaking kumakain mag-isa. "Pagsisibihan, luluhuran." Dagdag nito. Ang lapad ng ngiti, kulang nalang maging puso ang mata nito habang kinikilig.



Napaismid ako rito at sinamaan siya ng tingin. "Mhie, ang landi mo po." Sabi ko habang kumuha ng chips sa chichirya ni Creselia.



"Hindi kana nasanay sa babae na 'yan." Naiiling binalik ni Hari ang tingin sa cellphone niya. "Pang ilang beses na nasaktan, Todo landi parin."



Napabaling ng tingin si Miracle. "Hoy, Hari! Hindi porket may red flag kang boyfriend, kailangan mo na ako apihin." Dinuro-duro pa niya ito.



"Aguy, red flag." Pang-gagatong ko.



Tinuro niya kaming dalawa ni Miracle. "Kayong dalawa, magkaaway lang kayo ah! Bakit parang magkakampi na kayo?"



Nagkatinginan kami ni Miracle at sabay inismaran ang isa't isa. "Pinaplastik ko lang 'yan," Tumingin rin ako kay Hari. "Ikaw din, pinaplastik rin kita. Kaibigan niyo kasi si Karina."



"Ano connect?" Taas kilay na tanong ni Karina.



"Kailangan ko maging mabait, baka maisumbong mo pa ako sa Kuya ko." Sabay irap ko sakaniya.



"Kahit wala kapa ginagawa, isusumbong parin kita dahil sa mga kalokohan mo dito." Sagot niya bago kainin ang hawak niyang pagkain.



Napasimangot lang ako bago ulit sana kumuha ng chichirya na hawak ni Creselia kaso mabilis nito inilayo sa akin. "Tama na, kanina kapa kumakain."



"Napakadamot mo naman! Sa chichirya lang pala makikita ang totoong kulay mo." Pinakrus ko ang aking braso sa dibdib.



"Kawawa ka naman Alyssa." Tinapik ni Miracle ang balikat ko, nang-aasar.



"Aguy, payag ka nun? Ginaganyan kalang pala ni Miracle." Pakikisali ni Hari, nakangisi pa.



Binatukan siya ni Karina pagkatapos sabihin 'yon. "Pinag-aaway mo pa, gusto mo ata mag-awat sa dalawang siraulo na 'yan pag nag-away." Naiiritang saad ni Karina habang masama ang tingin kay Hari.



Napahawak ako sa dibdib at tumingin kay Karina. "Ganiyan na ba ang tingin mo sa amin? Bakit hindi nalang si Miracle?" Sabay turo ko sa katabi kong nakatutok ngayon sa cellphone mukhang may ka chat.



"Sino 'yan?" Sisilip palang ako sa cellphone niya pero mabilis niyang itinago. Mukhang nataranta pa ang lukaret.



"Alam mo ang chismosa mo talaga." Inirapan niya ako saka kinuha ang inumin niya.



Napa-awang ang labi ko. "Nag tatanong lang!" Pabiro ko hinampas ang balikat niya pero napadaing agad ang hindot na 'to. Ang arte amp.



"Nag-aaway na naman kayo." Saway ni Karina, masama tingin sa pwesto namin.



"Ito kasi!" Turo ko kay Miracle.



Napaturo si Miracle sa sarili niya at hindi makapaniwala nakatingin sa akin. "Bakit ako?" Gulat na tanong nito.



"Angkinin mo na! Lagi naman ako e." I rolled my eyes.



"Sad gorl 'yan?" Singit ni Creselia habang nakatingin sa akin. "Corny mo gurl, last mo na 'yan."



Inis ko binaling ang tingin sakaniya. "Last mo na rin 'yan." Tukoy ko sa pagkain na hawak niya. "Hinay hinay sa ka-lalamon" tinapik ko ang balikat niya sabay ngumiti nang malapad.



Pinakyuhan lang ako ni Creselia at hindi na umimik pa.



Matapos namin kumain, napagdesisyonan namin bumalik sa classroom para sa susunod na subject. Naabutan ko nga sina Clark na busy makipag laro sa mga iba naming kaklase.



Habang ang iba naman ay may sariling mundo. Naupo na ako sa aking upuan at ganoon rin si Creselia sa tabi ni Clark na sobrang ingay.



Nilabas ko ang phone at nakipag trashtalkan ulit sa mga bago kong basher. May nag-angas sa akin doon sa isang section, akala mo kagandahan. Mukhang kuto naman.



Sa kalagitnaan ng pakikipag trashtalkan ko sa kaaway ko may isang lalaki na umupo sa upuan ni Carl. Akala ko nga nung una si Carl na babalik lang sa upuan niya, pero nang malanghap ko ang pabango nito ay nalaman kong hindi pala si Carl 'yon.



Kundi si Kevin pala.



Prente siya umupo sa tabi ko, may dalang libro. Sinubukan ko hulihin ang mata nito pero parang wala siyang pakealam habang nagbabasa ng libro.



Napatingin ako sa mga ibang kaklase namin na nakatitig sa pwesto namin. May nagbubulungan narin tapos ang iba sa mga ito ay masama ang tingin sa akin lalo na si Shane. Si Sunny naman nakatingin lang, nagulat rin na tumabi sa akin si Kevin.



Bwisit na lalaki 'to, iniiwasan ko na nga siya simula noong may kababalaghan nangyari sa kotse niya. Hindi ko na kasi siya kinausap nun pagkatapos ng araw na 'yon, kahit madalas niya akong hinihintay na patago pag uwian.



Hindi ko na kinakaya ang tingin ng mga iba naming kaklase parang pinag-dududahan na naman ako. Akala nila siguro inaakit ko ulit ang ideal type nila tapos gagamitin pag nahulog na.



Patayo na sana ako at balak lumipat sa ibang upuan nang pigilan ako ni Kevin sa pamamagitan ng paghawak sa aking pulso.



Inis ko siya binalingan ng tingin. "Ano ba, madami nakatingin." Bulong ko habang inaalis ang kamay niyang mahigpit nakahawak sa pulsuhan ko.



Seryoso siyang tumingin sa mga kaklase namin bago ibaling ang tingin sa akin. "Don't mind them, umupo kana." Kalmadong saad nito, pilit niya ako pinapaupo pero ayoko.



"Baka ano isipin nila." Sabi ko pa nang makaupo ako. Lumayo ako nang kaunti at pinilit alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin. Mabuti nalang talaga binitawan niya agad.



"I said don't mind them, wala naman tayong masamang ginagawa. Hayaan mo sila." Saad niya bago ipagpatuloy ang pagbabasa ng libro.



Napairap nalang ako habang nakatingin sa kawalan. Wala parin tigil ang iba naming kaklase na masama ang tingin sa akin. Sigurado, pinapatay nila ako sa isip.



Panigurado issue na naman, panira talaga ng araw 'to si Kevin, wala nang magandang ginawa kundi inisin ako at pasakitin ang ulo ko.



Kung dati, natutuwa akong naiinis ang mga basher ko, ngayon hindi na. Mas naiinis ako kay Kevin. Nakakasira talaga siya ng araw.



"Oy, Pres! Parating na si Ma'am, balik kana sa upuan mo." Lumapit si Carl, nakatingin parin sa phone niya.



"Maupo ka muna sa tabi ni Sunny, mas gusto ko dito,  I can listen better if I sit here." He said calmly while looking at Carl.



Nawala tuloy ang tingin ni Carl sa cellphone at nakanganga tumingin kay Kevin na seryoso ang mukha.



"Nag papakopya ba si Vice president?" Lumapit pa ito para bumulong.



"Try it para malaman mo." Mabilis na sagot nito bago ibalik ang tingin sa libro.



Napakamot kinuha ni Carl ang bag para ilipat sa bago niyang upuan, siya na rin ang nag dala ng bag ni Kevin dahil nag pasuyo ito sakaniya.



Tuwang-tuwa si Josh nang malaman na katabi niya si Kevin, napapagitnaan kasi namin siya.



Habang sina Clark at Creselia naman ay nakangisi lang, halatang nang-aasar.



Nakakainis na talaga si Kevin, mas lalo kami magkakaroon ng issue dahil sa mga pinag-gagawa niya. Lumalayo na nga ako para iwas sa mga marites tapos siya naman ang lapit nang lapit.

🍃🌷🍃

Ms.Kalokohan (Not An Angel Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon