Sobrang natuwa talaga ako kasi kasama na naman kaming nag-breakfast ng buong pamilya. Sana lang araw-araw na iyon.
Humingi ng tawad si Kyle sakin dahil sa nangyari. Hindi ko ipagkakait na kinilig ako dun. Sobrang cute ni Kyle. Namumula nga ako tuwing naaalala ko ang nangyari.
"Sorry ah. Di ko naman sinasadya yun eh." sabi ni Kyle.
Tumango lang ako kasi umiinit yung pisngi ko. Pano kung nahalikan ko nung si Kyle? Oh my gosh. Hindi ko alam kung sasaya ako o malulungkot.
Sasaya kasi si Kyle yung first kiss ko o lulungkot kasi parang nagtaksil ako kay Kuya. Bumuntong-hininga ako at pinilig ko ang ulo ko.
"Huhuhu. Last day na nating magkasama Ruth! Kaiyak!" sigaw ni Mandy at niyakap ako. Tumawa ako nang mahagya.
"Huwag kang umiyak, baliw." sabi ko. Hinampas niya ako nang mahina.
"Huwag ka nga Ruth! Nagmo-moment ako eh." sabi niya at isinubsob ang kanyang ulo sa balikat ko.
Three weeks ang semestrial break namin. I'm gonna miss them, I know.
"Ruth." tugon n Kyle. Nginisian ko siya.
"Kyle." tawag ko rin sa kanya. Naghalf smile siya.
"Last day na nating magkasama." sabi niya. Tumango ako at sumimangot.
"Oo nga." sabi ko.
Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. Namula ako. Oh my goodness. Kinikilig ako! Ang taas niya ah! Ang ulo ko hanggang baba niya lang.
"I'm gonna miss you." bulong niya. Pinikit ko ang mga mata ko at kinagat ko ang labi ko para huwag akong tumili.
"Ikaw rin naman. Mamimiss rin kita." sabi ko. Binitawan niya ako at tumingin siya sa mata ko.
"Talaga?" nanunuyang tanong niya. Hinampas ko nang mahina ang braso niya kaya humalakhak siya.
"Wala akong nakita." nakangising sabi ni Mandy. Pumula yung pisngi ko.
"Hahaha. Baliw ka, Mandz. Teka, mauna na ako ah?" sabi ni Kyle at kumaway samin ni Mandy.
Kumaway kami pabalik at nung sigurado na ay sumigaw ko.
"Ahhhhhhhhhhhh!" tili ko. Tinakpan ni Mandy ang mga tainga niya.
"Oh my goodness! Niyakap niya ako!" sabi ko kay Mandy.
Gusto kong mag-hyperventilate! Seriously. Pinagtawanan lang ako ni Mandy.
Pero, ako, hindi pa rin ako makamove-on na niyakap ako ni Kyle. Grabe! Libo-libong elektrsidad ang dumaloy nunng ginawa niya yun ah.
Bumuntong-hininga ako. Semestrial break na. Ano kayang gagawin ko?
Bumaba na ako para mag-almusal. Napangiti ako. Araw-araw na nga ata to.
"So, semestrial break na, where do you wanna go?" nakangising tanong ni Daddy habang nag-aalmusal kami.
Nakita kong ngumiti si Mommy at ngumisi naman si Kuya. Kinagat ko ang labi ko, nagpipigil ng ngiti.
Napagdesisyunan naming mag-outing sa isla ng Cebu. May kamag-anak kasi si Daddy dito eh. May pagmamay-ari yung pamilya namin sa Cebu.
Nagsimula na akong mag-impake ng gamit ko. Aalis na kami bukas. Hindi ko alam kung ilang araw kami doon eh. Pero, minimum of 12 days raw sabi ni Daddy. Naeexcite na ako. Hihi.
"Ruth, magdala ka ng swimming wear mo ha?" sabi sakin ni Mommy kanina.
Napanguso ako at kinalkal ko kung anong meron sa closet ko. Napangiwi ako nung nakitang Two-piece lang ang meron ako. Wala akong choice kaya hinablot ko na lang ito.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...