Ilang araw na din kami dito sa Resort. Somehow, enjoying. Kaso nagseselos talaga ako kay Kuya at kay Alexis lalo na't alam kong crush ni Kuya si Alexis. Bumuntong-hininga ako. Ang sweet nila. Sana makakita rin ako ng guy ko.
"Psst." Kinalabit ako ni Kuya. Nilingon ko siya at humikab ako.
"What?" Tanong ko.
"Gala tayo." Sabi niya. Ngumuso ako.
"Huwag na." Tanggi ko. Ngumiwi siya.
"Baki naman?" Tanong niya.
"Di ko trip." Sabi ko. Sumalubong yung kilay niya.
"Ang KJ mo!" Singhal niya. Umiling ako.
"Sige na, please?" Pinagdikit niya ang kanyang mga kamay. Pumikit-pikit ako.
"'yaw ko. Makikita lang rin naman natin si Alexis." Sabi ko. Kumunot ang kanyang noo.
"Oh, eh anong problema dun?" Inirapan ko siya.
"Nakakainis kaya. Iniiwan mo lang din naman ako para makipaglandian sa kanya." Sinamaan ko siya ng tingin.
"HUH?" Bumuntong-hininga siya.
"Fine. Di na kita iiwan ngayon, promise!" Tinaas niya ang kanyang kanang kamay at ngumisi. Dinilaan ko ang aking labi at ngumiwi.
"Sureness?" Pagsisigurado ko.
"Sureness." Ngumisi siya. Tumango ako.
"Sige. Tara."
Nilibot namin ang isla. Maganda pala dito. Marami pa kaming di napuntahan eh na ngayon lang namin nadiskubre. Inakbyan ako ni Kuya.
"Alam mo, bagay sayo ang tanned skin." Sabi niya at ngumiti. Uminit ang pisngi ko.
"Huh? Bakit? Naging tanned ba skin ko?" Tanong ko. Tumango siya.
"Yep. Marami na namang magkakaugsto sayo niyan." Sumimangot siya. Ngumiti ako.
"Bakit? Okay din yun ah?" Sabi ko at tumingin sa kawalan. Naramdaman kong umiling siya.
"Huwag na, ganda." Bumuntong-hininga ako at binalik sa kanya ang tingin ko.
"Pwede na ba akong magka-boyfriend?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot dyan. Mas sumimangot pa siya.
"Hindi pwede!" Sabi niya. Ngumuso ako.
"Kailan ako pwedeng magka-boyfriend?" Tanong ko. Nagkunwari siyang nag-iisip.
"Uh, pag trenta ka na." Ngumisi siya. Inirapan ko na.
"Pumayag ka pa!" Sarkastikong sabi ko. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.
"Ayaw kong may mahalin ka pang lalake maliban samin ni Daddy eh." Seryosong tugon niya. Kumalabog ang puso ko sa sinabi ni Kuya pero binalewala ko iyon.
"Kuya, hindi ako pwedeng Single forever." Sabi ko. Ngumiti siya nang mapait.
"Kaya nga. Yun ang dahilan na habang may authority pa ako ay pinagbabawalan na kita."
"You know, you should learn to let me go, Kuya." Sabi ko.
"I know. I know. It's just that, huwag muna ngayon, okay?" Tanong niya. Ngumuso ako.
"Edi, kailan?" Bumuntong-hininga siya.
"I don't know." Sabi niya sabay kibit-balikat.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...