"Hoy Ruth! Nakadala ka ba ng materials para sa experiment natin mamaya?" tanong ni Kyle sakin. Inaantok akong tumango.
"Anong nangyari sayo?" sabi niya at inilapit ang mukha niya sakin. Naiilang ako!
"Ano ba?" singhal ko at umiwas ng tingin. Err.
"Ba't antok ka?" tanong niya. Umiling ako.
"Wala." tugon ko.
Grade 10 na kami ngayon. And, yes, close na kami ni Kyle. Siya lang yung friend ko. Friend nga ba? Ba't parang gusto ko siya na crush? Ay ewan. Ang gulo ko. Hindi ko kasi ma-explain eh. Gusto ko ba siya? Crush? Nagsimula lang 'to nung Grade 8 kami eh. Kasi siya lang yung friend ko maliban kay Kuya ko.
Panay ang higa ko sa armchair nung may klase na kami. Ang totoo kasi niyan eh, masama ang pakiramdam ko. Lalagnatin ata ako eh. Sumasakit kasi yung katawan ko. Arghhh! I hate this.
"Miss Gracia, are you alright?" tanong niya. Umupo ako nang maayos at umiling. Yep, honest ako kay Kyle lang hindi eh, kasi, alam niyo naman diba? Sumulyap ako kay Kyle at tinitignan niya ako. Kumalabog ang puso ko.
"Why? Are you not feeling well?" tanong niya. Tumango-tango ako.
"Do you want to go to the Clinic? Or, gusto mong umuwi na lang sa inyo?" tanong ni Mam.
"Sasabihan ko na lang po si Kuya Vin ko." sabi ko. Tumango naman siya.
"Okay. Just preapare your excuse letter kung papasok ka na." sabi ni Mam.
Agad kong niligpit ang gamit ko at tumayo. Nakita kong tumayo si Kyle at tinulungan niya ako.
"Sabi mo kanina sakin okay ka lang." sabi niya at seryosong tumitingin sakin. Umiling ako.
"Wala akong sinabi. Nagtanong ka lang kung inaantok ako." sabi ko at ngumisi. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Kahit na dapat sinabi mo pa rin." tugon ko. Tumango ako.
"Opo Sir." sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin siya pabalik at pinisil ang cheeks ko.
"Aray ko. Gusto mo atang mas sumama yung pakiramdam ko eh." bulong ko at ngumuso.
"Hindi noh. Gusto ko ngang okay ka lang eh para makasama kita. Bye na baka mapagalitan ako ni Mam." sabi niya at kumaway sakin. Ngumisi siya. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Gusto niya daw akong makasama? Oh my gosh!
Nagpaalam na ako kay Mam at tinahak ang room ng Grade 12. Kumatok ako sa door nila kahit bukas.
"Mam. Good morning. Excuse lang po kay Kuya Vin." sabi ko.
"Mr. Garcia, your sister needs you." sabi ni Mam nila. Nagpatuloy na siya sa pagdiscuss at lumapit naman si Kuya sakin.
"Hey, anong nangyari sayo?" tanong niya. Pumikit-pikit ako.
"Masama ang pakiramdam ko Kuya. Uuwi na lang siguro ako kasi hindi ko na kaya eh. Baka mag-collapse ako." sabi ko sa pagod na boses. Kinagat niya yung labi niya.
"Aryt. Magpagaling ka ganda ah? Gusto mo samahan na lang kita sa bahay? Aalis sina Mommy't Daddy mamayang 10'o'clock eh. May meeting kasi sila." sabi niya. Ngumiti ako nang mapait.
"Okay lang ako Kuya. Tinext ko na yung driver natin at nandyan na siya maya-maya. Isa pa, aalis man sila o hindi, wala namang may magbabago." sabi ko at kinagat ang labi ko.
"Ganda, okay lang yan. Kung wala lang sana akong klase, sasamahan talaga kita." sabi niya at sumimangot. Umiling ako at hinawakan ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...