11

51 9 3
                                    

Kinagat ko ang labi ko nung nakita kong deavstated nga ang itsura ni Ate Lovely. Mag-isa siyang nakaupo sa bench na malapit sa room namin at tulala siya. Naaawa ako sa kanya. Lalo na't alam kong isa ako sa mga dahilan bakit siya iniwan ni Kuya.

"Don't feel guilty. Mas mahal kita kesa sa kanya."

Yan yung sinabi ni Kuya sakin. Bumuntong-hininga ako at napasyahan kong lapitan si Ate Lovely.

Malalaman mong hindi siya sa sarili niya dahil hindi na siya blooming at parang umiba ang aura niya.

"A-ate." tugon ko. Nilingon niya ako at umiba ang ekspresyon niya. Binalik niya ang tingin niya sa harap.

"Don't talk to me." malamig niyang sambit.

"N-no, ate. Sorry-"

"Stop it. Walang magagawa ang sorry mo! Iniwan ako ni Kuya mo d-dahil,"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil nilagay niya ang mga palad niya sa itsura niya at humikbi siya. Nilapitan ko siya at yayakip ko sana siya pero iginalaw-galaw niya ang katawan niya na nagpapahiwatig na ayaw niyang magpahawak.

"Don't you dare touch m-me! A-akala ko mahal niya ako p-pero, you freakin' brat pinatunayan mo na h-hindi niya ako mahal! N-na mas mahal ka pa niya kesa s-sakin. Sino ka ba, huh? K-kapatid ka lang naman niya!" sigaw niya dahilan para lumingon ang mga estudyante samin.

May bmarang luha sa lalamunan ko.

"Bakit huh? Kasi walang kumakampi sayo na pamilya mo?! Good for you. No wonder wala kang kaibigan! Tapos pareho pa kayo ng kaibigan mo!" sigaw niya. Pinalibutan na kami ng mga estudyante dito pero wala akong pakialam. Gusto kong kausapin si Ate Lovely ngayon.

"Seryoso n-naman si Kuya sayo Ate eh-"

"I KNOW! I know!" sigaw niya at humagulgol siya.

"Ruth!" sigaw ni Mandy at kinaladkad ako palayo sa mga nagkukumpalang mga estudyante.

"What were you thinking?" bungad sakin ni Mandy nung makalayo na kami sa kanila. Ngumiti ako.

"Gusto ko lang namang k-kausapin si Ate Lovely eh." tugon ko. Bumuntong-hininga si Mandy.

"What for?" tanong niya.

"N-nakipagbreak si Kuya kay Ate dahil sakin." sabi ko at nanlumo ako.

"It's not your choice. Isa pa, mabuti naman yan. Mahal ka lang ng Kuya mo-"

"Pero, bakit kailangan pang masaktan? Di ba pwedeng masaya ang lahat?" putol ko sa kanya. Kinagat niya ang labi niya.

"This is life, Ruth! Hindi pwedeng lahat masaya, meron talaga dapat na masaktan! Kapalit ng kasiyahan mo ay yung kalungkutan ng iba. Hindi mo na pwede maiba yun. It's natural!" sabi ni Mandy. May lumandas na luha sa mata ko at napahikbi ako.

"No, n-no, no." Umiling-iling ako.

"Yes, Ruth-"

"Hindi p-ppwede. Hindi pwedeng m-masaya ako t-tapos m-may nasasaktang i-iba. Mas mabuti na lang na a-ako yung n-nasasaktan." sabi ko.

Nilapitan ako ni Mandy at niyakap niya ako.

"Hindi pwede yun Ruth. Hidi pwedeng ikaw lang ang nasasaktan." sabi ni Mandy.

Bakit ba hindi pwede? Hindi ko gustong may nasasaktan para sakin eh. Napsimangot ako.

"Ganda naman eh, bakit mo pa nilapitan si Lovely? Tsk!" singhal ni Kuya nung nagkita kami. Alam na kasi ng lahat eh. Tapos nagalit si Kuya sakin.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon