Hindi ko halos matignan ang magagandang view habang papunta kami sa Iloilo. Sobrang sakit ng ulo ko eh. Madalas nakapikit lang ako at mas gugustuhin ko pa ang nakasandal sa kahit na ano basta hindi lang stead yung ulo ko. Masakit rin naman sumandal sa bintana kasi panay ang untog ko.
Mariin akong pumikit at hinawakan ang masakit kong ulo nang dumating na kami sa Iloilo. Nandito kami ngayon sa Tagbak Terminal. Mabuti na lang at hindi gan'ong kalayo ang bahay namin at hindi ito long distannce.
Masaya ako nang umuwi ako dito sa Iloilo. Namiss ko na ang lahat. Ilang araw rin ang lumipas ang nagkita-kita kaming magkabarkada. Nalungkot sila kasi wala si Hailey. Umiwas ako ng tingin n'ong oras na 'yon. Tinanong nila kung kamusta na siya at sinabi kong okay naman siya.
Ang awkward lang talagang pag-usapan si Hailey. Napaisip ako. Hindi kami gan'on dati, pero bakit umabot kami sa puntong kaya naming sirain ang pinagdaanan namin para sa isang lalake? I was someone who supports her in her lovelife. Kaya kong gawin iyon para kay Edrian. Ang hindi ko lang maintindihan eh bakit kailangan pa niyang gawin iyon? Bakit, naging sila ba ni Edrian Vin? Matagal na panahon na ba silang nagkakilala? Nagmahalan ba sila? Kilalang-kilala ba nila ang isa't-isa?
Kung tutuusin ay ako ang kontrabida dito. Gaya nga sa sinabi ni Ate Lovely, inahas ko ang kaibigan ko. Hindi naman sila and I think her term is not right. Pinilig ko ang ulo ko at pinagalitan ko ang sarili ko ba't ko ba iniisip ang mga 'yon.
Nagkatuwaan kami pero huli na n'ong na-realize kong awkward ang atmosphere ni Michelle at Michael. Oh my! Don't tell me break na ang couple na halos hindi mabubuhay kung wala ang isa't-isa?! OMG!
"Oh, Ruth, ba't parang pinagsuklaban ng langi't lupa 'yang itsura mo?" natatawang tanong ni Beatrice.
Umiling ako, "Ah, wala."
"Iniisip mo ba ang crush mo, boyfriend mo o ex mo?" Napanguso ako sa tanong nila. Bigla namang tumabi si Kris sakin.
"Ruth." nakangiti niyang tawag sakin.
Ngumiti rin ako, "Hi Kris."
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang matatalim na titig ni Kyle sa amin. Napailing ako. Nag-break na ang mga couples pero silang dalawa, hindi pa rin nagbago.
"May boyfriend ka na Ruth?" nakangising tanong niya sakin.
Nanlaki ang mga mata ko. "Seriously? Wala ano!" natatawa kong sigaw. Napatingin silang lahat samin.
"Talaga? Wala ka pa rin bang gusto? Tssk, ang hirap amuhin ng isang 'to." sabi nila. Nginitian ko lang sila.
"Hindi ka pa talaga nagka-boyfriend?" tanong ni Michael. Nakita kong palihim siyang sinulyapan ni Michelle. Bumuntong-hininga ako at pumula 'yong pisngi ko. Nanlaki ang mga mata nila.
"Oh my asdffghjkl! Sino ang malas na lalakeng iyon?" natawa ako sa reaksyon nila. Malas talaga eh, 'no?
"Ruth?!!" Grabe namang maka-react 'tong mga 'to.
"Ruth." seryoso at sabay na sabi ni Kris at Sean. Nagpeke ng ubo si Bea.
"Ehe, ehem, may nagseselos." Kumunot lang ang noo nilang dalawa. Nagpakalumbaba ako.
"Psst." singhal nila. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Hmmm?"
"Ano na?" Suminghap ako.
"We broke up." nakangiti kong sabi at nalaglag ang panga nila.
"Oh my goodness. Who art thee? Anong nangyari? Bakit gan'on? Paano ka niya pinaamo?" Natawa ako sa reaksyon nila. They really think that it's a miracle if I like someone.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...