Minulat ko ang mga mata ko at humikab. Agad akong bumangon at pinagmasdan si Kuya. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
Kinaladkad ko si Kuya pataas sa suite namin. Panay ang kalabit niya sakin at tanong bakit bigla na lang akong umalis.
"Huy, Janier." tugon niya.
"Janier Ruth." dagdag pa niya.
"Gandaaaa." inip niyang tanong.
Nilingon ko na lang siya nung nasa floor na kami ng suite namin. Nakakunot ang kanyang noo.
"Hmm?" inosente kong tanong. Sumalubong yung kilay niya.
"What's your problem?" tanong niya. Bumuntong-hininga ako at umiling.
"Wala, Kuya. Inaantok na kasi ako." sabi ko at kinagat ang aking labi.
"Seriously?" sabi niya at inirapan ako.
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa suite.
Hinintay ko siyang pumasok at nilock ko ito. Tumakbo naman ako kaagad sa room namin.
Ang galing. Ang laki ng suite na kinuha nila ni Mommy't Daddy tapos dalawang room lang ang inoccupy namin.
Naramdaman kong sumunod si Kuya sakin na tamad na naglalakad at kunot pa rin ang noo. Nilingon ko siya at nginusuan.
"Bakit? Ba't parang badtrip ka?" tanong ko. Tumikhim siya.
"Chicks yun, Janier eh! Pinalagpas. Tss." singhal ni Kuya.
Napa-face palm ako. Arghh! Ewan ko pero kumukulo ang dugo ko sa babaeng yun. Parang ayaw kong mapalapit siya kay Kuya ko.
Bumuntong-hininga ako at umiling-iling. Nauna nang matulog si Kuya sakin kagabi. Kasi nung lumabas ako sa CR ng kuwarto namin ay tulog na ang diwa niya at nakaligo na rin pala siya.
Pinisil ko ang pisngi ni Kuya. Nung una, hindi niya ito naramdaman pero inulit ko at unti-unting namulat ang kanyang mga mata kaya tumakbo ako kaagad sa banyo.
Napatawa ako dun sa banyo. Grabe! Ang cute cute cute cute ni Kuya. Kung di ko lang siya siguro Kuya, ilove na ako sa kanya. Hahaha. Napailing-iling ako sa mga iniisip ko.
Ang ganda talaga ng banyo dito. Yun rin yung rason ba't antagal kong lumabas. Alam ko kagabi nainip na si Kuya nun kaya sa labas na lang siya naligo.
After 30 minutes siguro ay lumabas na ako. Sure akong wala na si Kuya doon sa labas. Naiwan ko kasi yung damit ko dun eh kaya manipis na tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko at isa sa aking buhok.
Nung lumabas ako ay laking gulat ko na nandoon pa si Kuya. Nanlaki ang mga mata ko nung pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.
Tumawa-tawa siya at lumayo sakin. Hinagisan ko siya ng unan at tumakbo papunta sa side niya pero hindi ko sinasadya dahil nalaglag ang tuwalya ko. Undies at bra lang kasi yung suot ko eh.
Pumula ang pisngi ni Kuya at iniwas niya kaagad ang kanyang tingin.
"Janier!" sigaw niya.
Pinulot ko kaagad yung tuwalya ko at pinalupot ito sa aking katawan.
Narinig kong suminghap siya bago siya nagsalita.
"Kunin mo na yung damit mo at magbihis ka na." sabi ni Kuya.
Tumango ako kahit alam kong hindi niya naman ito makikita. Kinuha ko ang susuotin ko at bumalik sa CR.
Napapikit ako nung pumasok ako dun at napaupo ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...