34

51 6 5
                                    

Pagkatapos ng exam ay humugot ako ng lakas ng loob para sabihin ang gusto ko. Dahan-dahan akong naglakad sa hagdanan at nnakita ko siya sa sala na nagabasa ng dyaryo. Bumuntong-hininga ako.

"Ma." tawag ko. Nilingon niya ako at nginitian.

"Hmm?" Ibinaba niya ang dyaryo at uminom siya ng kape. Pinagsiklop ko ang mga kamay kong nanginginig.

"May tatanungin po ako." sabi ko at umupo sa single na sofa.

"What is it? Spill." nakangiti niyang sabi. Mariin akong pumikit.

"P-pwede ba akong mag-aral ng kolehiyo sa USC?" Nabigla si Mama sa tanong ko.

"Uhm, uh, kasi-"

"Sa University of San Carlos?"

Tumango ako sa tanong ni Mama. Doon nag-aaral si Kuya at doon rin mag-aaral si Hailey. Kinagat ko ang lai ko at tinignan ang reaksyon ni Mama. Bumuntong-hininga siya at ngumiti.

"Is that what you want?" nakangiting tanong niya. Tumango ako.

"Opo eh." tugon ko. Ngumiti siya at tumango.

"Sige, luluwas tayo ng Manila right after you graduate."

Sobrang saya ko sa sinabi ni Mama. Niyakap ko pa siya at ilang ulit akong nagpasalamat sa kanya. Ngumuso ako nung naalala ko ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila. Napgpasyahan kong itago muna ito pero kay Althea sasabihin ko. Busy naman kasi si Hailey sa lovelife niya eh and besides, schoolmates pa rin naman kami.

"Sigurado ka na ba dyan?" Nanlumo si Althea. Bumuntong-hininga siya at inayos ang glasses niya. Nginitian ko siya at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Oo, Althea. Hindi ko alam pero ito ang gusto ng puso ko." tugon ko. Sumimangot siya.

"Pero Ruth, ngayon ka lang namin nakilala." Ngumuso ako.

"Wala tayong magagawa. Ito ang buhay eh."

:Walang may naiwan sa aming magkabarkada. Lahat naman kami ay may angking katalinuhan eh. Tuwang-tuwa kami nung Graduation na.. Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ko silang nagsasaya. Kumikirot ang puso ko tuwing iniisip kong iiwan ko sila .Pero ito ang gusto ng puso ko at gusto kong sundin ito.

"Don't cry." ngiti ni Sean sabay punas sa luha ko. Pilit akong ngumisi at pinunasan ito.

"Wala 'to. Natutuwa lang ako na Graduate na rin tayo. Masaya ako't nakilala ko kayo kahit nung Grade 11 pa lang ako." Kinagat ko ang aking labi. Ngumiti sakin si Sean.

"May tinatago ka ba Ruth?" seryosong tanong niya. Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong ni Sean.

"Wala, bakit?" tanong ko. Ngumuso siya.

"Wala lang, nafifeel ko lang." Ngumisi siya.

Nawala si Sean sa paningin ko at pumunta na siya sa ibang kaibigan namin. Hinawakan ni Althea ang kamay ko.

"You're gonna miss this." Nabasag ang kanyang boses pero pilit siyang ngumiti. Tinignan ko siya at kaagad niyakap.

"I know and I'm sorry." naiiyak kong sabi.

"You don't have to be. Desisyon mo yan."

Hinawakan ni Althea ang balikat ko. Hindi ko na sila pinagmasdan nang maigi dahil naninikip ang dibdib ko habang nanonood sa kanila. Kinagat ko ang aking labi at sinabi nila sakin na mag-uusap daw kami. Pilit akong ngumiti at tumango. Umupo kaming magkabarkada na circle ang shape.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon