Thank you so much for supporting Yearning for love! Hindi ito matatapos kung wala kayong mga inspirasyon ko. I love you so much! <3
-----------------------------------------------------------------------------
Hindi pa niya naransang mahalin. Palagi itong pinagkakait ng mga magulang ko sa kanya. She does not deserve that. Everyone needs to be loved. Tapos, wala pa siyang kaibigan. I had this urge to love her deeply dahil alam kong kailangan niya iyon.
"Kuyaaaa!" sigaw niya n'ong nakauwi na siya. Ngumiti ako.
"Hi ganda. Kamusta yung school mo?" tanong ko. Sumimangot siya.
"Alam mo naman Kuya na wala akong friend." tugon niya. Bumuntong-hininga ako at sumimangot.
"Okay lang yan ganda. Nandito naman ako eh, huwag mong kakalimutan si Kuya ah?" sabi ko. Tumango siya.
"Okay Kuya!" sabi nito.
"I love you Janier Ruth Garcia." sabi ko.
"I love you too, Edrian Vin Garcia." sabi niya at naghigh five kami.
Gusto kong iparamdam sa kanya kung paano mahalin. Hindi naman siya mahirap mahalin eh. In fact madali lang, sobrang madali. Sa sobrang madali ay tuluyan na akong nahulog.
Pinagkasundo ako ng Lolo namin kay Queenie. Hindi naman ako nagreklamo kasi gusto ko nga 'yon para lumipas na ang hindi makatarungang nararamdaman ko para kay Janier. Alam ko namang nachachallenge lang ako kasi walang may nagmamahal sa kanya eh. Kaya ayun at nanligaw ako kay Queenie.
"Pre, yun na yung kapatid mo? Si Ruth? Grabe ang ganda na niya ah." sabi ng kaklase ko. Agad uminit ang ulo ko.
"Oo nga. Pag high school nun, sexy na yun." sabi rin ng kaibigan niya.
Nanliit ang mga mata ko. "Hoy, mga ungas! Huwag niyong pagnasaan ang kapatid ko. Bata pa siya. At hindi pa siya pwedeng magkaboyfriend." sigaw ko at kinuyom ang panga ko.
Hindi ko gustong magkaboyfriend si Janier kasi makakalimutan na niya ako. Palagi ko nga siyang nakikitang kinikilig at napagtanto kong dahil 'yon sa kaibigan niyang si Kyle. Bumuntong-hininga ako. Ang hirap talaga nito, tsk!
Why is that sad look in your eyes? Why are you crying?
Tell me now, tell me now Tell me, why you're feelin this way.
I hate to see you so down, oh baby.
Damn, my princess! Kung hindi lang talaga kita kapatid. Hindi ko alam bakit ito ang nararamdaman ko pero ginawa ko ang lahat para mapawi ito. Kung kumakanta ako ay siya palagi ang iniisip ko. Hindi 'to pwede. Hindi kami pwede kasi magkapatid kami. Edrian Vin, magpigil ka!
Umupo ako sa tabi niya at tinitigan ko siya. Ngumuso siya at pinikit-pikit ang mga mata niya.
"Bakit Kuya?" tanong niya. Bumuntong-hininga ako.
"Hindi ka pa pwedeng lumablayp ah?" mahinahong sabi ko. Ngumiti siya at tumango.
"Oo naman Kuya. Bata pa ako." sabi niya. Ngumiti ako kasi nabunutan ako ng tinik.
"That's my sister." ginulo ko ang buhok niya. Ngumuso si Ruth.
"Huwag mong guluhin yung buhok ko Kuya. Nasisira yung hairclips ko." Sumimangot ako.
"Ba't kailangan pa niyan? Di mo na kailangan ng cheche bureche sa katawan mo. Hindi mo alam kung ilang lalake ang gusto kong upakan kasi naririnig ko silang pinag-uusapan ka." sabi ko. Pinikit-pikit niya ang mga mata niya na parang 'di makapaniwala at ngumisi.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...