Enjoy na enjoy ako sa ginagawa namin ni Kuya. Grabe. Kawawa yung iba. Meron ngang lumapit na babae kay Kuya eh.
"Uh, diba Edrian? Pwede bang-?"
"Excuse me?" kunwari maarte kong sulpot. Natatawa na ako sa isip ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"At, sino ka? Magcoconfess ka rin ba kay Edrian? Well, sorry Miss. Ako ang nauna dito." sabi niya at umirap. Humalakhak ako nang peke.
"I don't have to. I'm his girlfriend so please, just back off." sabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang kanyang panga. Seryoso, naguilty ako nung nakita kong nanginginig ang kanyang labi at may namuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. But, oh, binawi ko yun dahil sinabunutan daw ba ako?
"How dare you!" sigaw niya. Hinawakan ako ni Kuya Vin sa bewang ko.
"Woah! Easy there, Miss. Don't hurt her or else," Huminto si Kuya at bumuntong-hininga.
"Magbre-break din kayo!" sigaw ng babae at agad tumakbo palayo.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako, o malulungkot, o magagalit o maaawa sa kanya. Basta, nakakainis siya.
"Oh ano? Ipagpapatuloy pa ba natin 'to?" tanong ko kay Kuya. Kumindat siya sakin.
"Of course." sabi niya at humalakhak.
Umiling-iling na lang ako. Sige, sasakyan ko trip ni Kuya. Kaya naman, marami na kaming naloko sa isang araw. Haha. Kaya wala kaming kaibigan eh kasi ayaw nilang makipagkaibigan sa isang almost perfect couples. Napailing ako. Hindi ba obvious na magkapatid kami?
"Hi." Nanlaki ang mga mata ko nung narinig kong may bumati. Unti-unti naming nilingon ni Kuya iyon.
"H-hey." nauutal na sabi ni Kuya. Awtomatikong napako ang mata niya sa kamay ni Kuya na nakaakbay sakin. Dahan-dahan naman itong inalis ni Kuya.
"Remember me?" tanong nito. Tumango si Kuya at ngumiti.
"Alexis, right? Edrian." sabi ni Kuya at naglahad ng kamay.
"Yep. Hihi. Kilala mo pala ako." sabi niya na taas-noo. Tumaas ang kilay ko.
"Oo. Ikaw yung kumanta kahapon eh." nakangising sabi ni Kuya.
Palihim akong napairap. I smell something bad. Ugh. Hindi naman siguro ako dahil mabango naman ako eh. Hindi ko na pinakinggan ang pag-uusap nila at nagtitext na lang ako sa cellphone ko.
To: Kyle ;)
Hey.
Bago ko pa masend iyon ay hinablot na ni Kuya ang cellphone ko. Inirapan ko siya at sinamaan ng tingin. Hindi ko na pinansin ang Alexis na yan sa harap namin.
"Hoy. Ibalik mo yan." sabi ko pero binelatan niya lang ako at itinago niya ito sa kanyang bulsa.
"He. He-" pekeng tawa ni Alexis pero pinutol siya ni Kuya.
"Kapatid ko." sabi niya nang nakangisi at inakbayan niya ako. Nanlaki ang mga mata ko. Nagulat rin si Alexis at nagpigil siya ng ngiti.
"T-talaga?" gulat niyang tanong. Suminghap ako habang nakatingin sa kawalan at dahan-dahang inalis ang kamay ni Kuya sa balikat ko.
"Yep." sabi ni Kuya. Tinignan ko si Kuya gamit ng isang blangkong ekspresyon.
"Kuya, akyat na ako. Yung cellphone ko." tugon ko. Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtatanong na 'Anong nangyari sayo?'. Pero hindi ko na pinansin iyon.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Подростковая литератураJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...