56

30 6 8
                                    

"OMG! Nandito na siya, ba't absent ka kahapon?"

Ngumuso ako, "Alam ko."

"Eh, bakit wala ka?"

"Paki ko ba?" tanong ko at inirapan ang ere.

"Gah! Nakakainis talaga ang pride mo Ruth!"

Maktol nang maktol si Ysa sakin pero n'ong huli, nagpaalam na rin siya kasi may klase pa siya. Mag-isa na nga lang akong naglalakad dito sa corridor. Naisipan kong sumilip sa gymnasium para tignan kung and'on si Edrian. Oo, alam kong tanga ako kasi gusto kong lubayan niya ako pero hinahanap pa rin siya ng sistema ko.

Hindi ako nagkamali. Nakasuot siya ng shirt na kulay dark peach na may nakalagay na malaking V na may makulay na disenyo sa loob ng letra at puti naman ang lining ng V. Ang pinares niya dito ay skinny jeans at Vans na sapatos. Ginulo niya ang buhok niya kaya maraming tumili. May diamond piercing siya sa tainga niya. He's back.

"Salamat pala kasi welcome pa rin ako dito sa USC. Suppose to be, graduate na ako pero iba 'yong curriculum dito kung ikukumpara mo sa Canada eh. So...'yon. Hi!" sabay labas ng killer smile niya kaya mas lumakas ang hiyawan.

"Uh, hello sa pinakamamahal kong babae sa mundo. Sorry sa lahat. Kahit na ipagtabuyan mo ako, mamahalin pa rin kita. Pero, gusto mong lubayan kita kaya, gagawin ko iyon kahit labag sa kalooban ko." malungkot siyang ngumiti, "High five sa mga sawi dyan. Huwag kayong mag-alala, kakanta pa rin ako para sa lahat." kindat niya.

Ito na talaga ang first day of school ko. Kasi naman si Edrian eh. Dahil sa kanya, nag-absent pa ako kahapon. Tss, at talagang si Edrian Vin pa ang tinuro ko, ah? Umiling-iling ako.

"I have an announcement to tell you." intro ng Professor namin.

"There is a five-day seminar para sa mga HRM Students sa Tagaytay. Our school must represent 10 representatives. So, ang napili namin ay..."

Inisa-isa ni Prof. ang mga estudyante. Ang ibang estudyante ay nasa Senior na. Gusto kong sumama kasi alam kong marami akong malalaman sa Seminar na 'yan eh. Isa pa, once in a lifetime chance na 'yan. Gusto ko ring mastress-free sa mga problema ko.

"Janier Ruth Mandala."

Sinimangutan ako ng mga kaklase ko pero hindi ko matago ang ngisi ko. Yes! Thank you Lord! Salamat kasi malaya na ako. Aaminin kong, mamimiss ko ulit ang school pero gusto ko ring tumakas kay Edrian eh!

"So, that would be on Saturday. Please prepare. Walang Professor ang sasama sa inyo kasi malaki na rin naman kayo at alam niyo na ang gagawin niyo. Responsable na rin naman kayo at sampu rin naman kayo eh." inayos ni Ma'am ang glasses niya, "Oh wait, may kasama pa pala kayo."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ma'am. "Guest pala ang bandang The Yellow Turban. Tutugtog rin pala sila d'on. At may battle of the bands daw sila kaya kasama niyo sila."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Ma'am kaya ayun at binabagabag ako buong araw. Hinid ko alam kung aano ako. Parang kinakabahan ako na natatae. Hindi ko alam kung anong irereak ko. Malulungkot ba ako? Matutuwa? Masisiroresa? Maiinis? Tsss!

Talaga namang mapang-asar ang oras ano? Kung saan gusto mong mabilis ito, bumabagal. Tapos kung gusto mong mabagal ito, bumibilis. Humikab ako at hinilig ang katawan ko sa bintana ng Ceres na sinasakyan namin. Antok na antok na ako sa kaiisip kung anong gagawin ko kaya ayun, umaga na nang nakatulog ako.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon