Tumakbo kaagad ako para maabutan ko si Edrian. Sobrang badtrip siya sa sinabi ng lalake. Bumuntong-hininga ako at tinapik ang balikat niya. Nilingon niya ako at may pasa ang maganda niyang pisngi. Kumunot ang noo ko.
"A-aray! Dahan-dahan naman ganda. Hindi ka naman siguro sadista ano?" sabi niya sabay irap sa kawalan. Diniin ko pa ang paglagay ng gamot sa pasa niya.
"Huwag mo 'kong irap-irapan. Nasisira ang mukha mo dahil sa ginagawa mo." sabi ko.
Nandito kami ngayon sa school clinic. Nakaupo ako sa harap niya at sobrang lapit namin sa isa't-isa. Tinagilid ko ang ulo ko para makita ang pasa niya. Napalunok ako habang pinagmamasdana ng matangos at perpekto niyang ilong. His jawline is perfect too. Kahit na sinuntok na ng lalake ang mukha niya ay hindi pa rin siya pumangit.
"Bakit? 'pag ba nasira 'to, hindi mo na ako mahal?" ngisi niya. Pumula ang pisngi ko pero hindi ko na siya pinansin.
"Bakit mo pa kasi pinatulan ang lalaken iyon eh." maktol ko habang nakasimangot.
"Sorry kamahalan, nakakapikon lang kasi. Sabihan daw bang pupunta ako sa impyerno." Inayos ko ang upo ko at hinarap ko siya.
"Pupunta ka talaga sa impyerno 'pag pinapatulan mo ang mga manlalait." irap ko. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya para tingnan kung may pasa pa ba siya. Namula siya kasi kaunting-kaunti na lang ay magbabanggaan na ang mga ilong namin. Napapigil rin ako ng hininga.
"J-janier." parang nahihirapan niyang sabi.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil kaagad niyang inatake ang labi ko. Napapikit ako. I miss him. Ilang araw lang kaming hindi nagkita at nagpansinan pero parang ilang buwan na iyon. Naghanap ng pwedeng pasukan ang kanyang dila. Hindi ko namalayan na hinalikan ko na rin pala siya pabalik. Ibinuka ko ang bibig ko para makapasok ang dila niya.
Gumala ang dila niya sa bibig ko. Tinikman niya ito na parang inaangkin ako kasi hindi niya pinalagpas ang bawat anggulo. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at ginulo ang buhok niya. Hindi ko alam pero nawawala na ako sa ulirat ko at hindi ko namalayan kung ilang minuto ba kami naghahalikan. Pareho kaming naghahabol ng hininga nang naghiwalay ang mga labi namin. Umangat ang gilid ng labi ko at nang sinulyapan ko siya ay nakangiti siya.
"It feels so...real." ngiti niya habang hinahawakan ang labi niya na parang hindi makapaniwala. Pumula ang pisngi ko at bumuntong-hininga ako. Tumayo na ako at niligpit ang kit.
"Janier." Hinawakan niya ang kamay ko. Itiningala ko ang tingin ko sa kanya at kumunot ang noo ko.
"What?" tanong ko. Tumayo siya at tinulungan akong magligpit.
"Okay rin palang magkapasa ako basta halikan mo lang ako." halakahak niya. Namula ang pisngi ko at sinapak ko ang dibdib niya.
"Langya. Tulungan mo na akong ligpitin 'to." sabi ko. Tumalikod na ako at binalik ang mga kagamitan sa cabinet. Sumunod rin sa akin si Edrian Vin Garcia.
"Noong tayo pa, hindi pa malalim ang mga halik mo pero nang nanliligaw na lang ako, sumasagot ka na sa halik ko. Wow!" natutuwa niyang saad. Pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Napaka mo talaga! Ugh!"
"Noon kasi smack lang, ngayon baka may french na, passionate, torrid-" Sinapak ko na at humagalpak siya ng tawa.
"Nanliligaw ka pa lang. Hindi pa tayo!" Nalaglag ang panga niya. Ha? Akala ba niya kami ba? Hindi niya alam na manliligaw pa lang siya?
"So pumapayag kang suyuin kita?" Ngumisi siya nang malapad. Bumuntong-hininga ako.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...