"You should be friends with her, Edrian." Ngingiti si Mommy. Napairap ako sa kawalan.
"With whom, Mom?" Tanong ni Kuya na sumusulyap sakin.
"With Alexis." Sabi ni Mommy. Kumunot ang noo ko.
"They are. They're friends." Bored kong sabi. Tumaas ang kilay ni Daddy.
"Really? Paano?" Gulat niyang tanong. Umiling ako.
"Ask him." Ngumisi ako sabay sulyap kay Kuya.
Nakita kong medyo lumiwanag yung mukha niya kasi sa wakas nagtagpo rin yung paningin namin. Ngumuso ako sabay irap.
"Who's 'Alexis'?" Tanong ni Kuya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Your...crush?" Nag-aalangang sabi ko. Nalaglag ang panga niya.
"What? You know I don't do crushes." Umirap siya. Aba! Inirapan ko rin siya.
"Yung ka-duet mo?" Sakrastikong sabi ko. Ngumiwi siya.
"She's not my crush.-"
"Yes she is.-"
"No, she's not.-"
"Stop. Hindi kami maka-relate sa inyo." Humalakhak si Mommy.
Hindi namin pinansin ang tawa nilang dalawa at nagbibigayan pa rin kami ni Kuya ng death glare. Kainis ah?! Siya pa yung may ganang magalit. Aba, loko siya! Sinabi ko lang naman na crush niya yung pangit na Alexis na yun eh. Anong problema niya dun?
"Imbes na magbigayan kayo ng death glare, why don't we eat breakfast instead? Kanina pa dyan naghihintay." Sabi ni Mommy at pumunta sa dining room.
Bumuntong-hininga ako at sumunod na rin. Marami pa lang ulam dito eh. May Chopsuey, Pork chop, Fried chicken at piniritong bangus. Kumalam kaagad ang sikmura ko. Tsk! Ngayon ko lang naalala, hindi pala ako nakapag-dinner kagabi.
Umupo na ako at hinintay namin silang dalawa. Naglakad na rin sila papunta dito ni Daddy't Kuya. Tinaas ko ang kilay ko nung nahagilap kong masamang tumitingin sa akin ang Kuya ko.
Nagsimula na kmaing kumain. Hindi ko na sinusulyapan si Kuya. Nag-uusap lang kami at nagtatawanan. Umiling-iling ako sa korning joke ni Daddy.
"Oh, by the way, maliligo tayong pamilya ah? Come on. Bumihis na kayo."
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...