28

63 6 9
                                    

Hindi ako pamilyar kung saan na nag-dridrive si Kuya. Naisipan ko na lang munang matulog. Naramdaman ko na lang na niyugyog ako ni Kuya. Dahan-dahan kong minuklat ang mga mata ko at nakita ko si Kuyang nakanguso at nakatingin sakin.

"We're here."

Hindi ko namalayan kung ilang oras ba ang byahe. Tumango ako. Bumaba na si Kuya at pinagbuksan niya ako ng kotse. Bumaba ako at iginala ang mga mata ko sa entrance ng lugar. Ang nakalagay dito ay, 'Welcome to Kalipusan Highland Resort!'. Ngumuso ako at itinaas ang isang kilay ko.

"Tara."

Inilahad ni Kuya ang kamay niya. Sinuot ko ang backpack ko at nilagay ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad. Mabuti na lang at nakakapit ako kay Kuya. Medyo mahirap umakyat kasi pataas nang pataas ang daanan. Todo effort ako para lang makaakyat.

Napangisi ako nung nakita ko rin sa wakas ang lugar. Akala ko mataas na yung dinaanan namin pero may itataas pa pala ito. May zipline, swimming pool, mga puno, may mini cave at may conference hall rin. Nginitian ako ni Kuya.

"Kuya, paano mo nadiskubre ang lugar na ito? Ang ganda." namamanghang sabi ko. Humalakhak siya.

"Let's go. Nag-check in ako ng mini hotel para sating dalawa." Nanlaki ang mga mata ko.

"HA? Ilang araw ba tayo dito?"

"Isa lang. Hindi tayo mag-oovernight." sabi niya. Ngumuso ako.

"Anong trip mo?" Umiling si Kuya.

"Wala lang. Para makapagpahinga tayo sa isang matinong lugar."

"Eh Kuy, wala akong malaking pera dito eh." Pumikit-pikit ako.

"Ako nang bahala sa lahat. Come on."

Sumunod na lang ako kay Kuya dahil naglakad na siya. Kinausap pa niya yung babae para siguro mag-check in. Umirap ako nung nakita kong hiyang-hiya pa siya kung kumausap kay Kuya. Umiling-iling na lang ako at ginala ang mga mata ko. Maraming tao dito. Marami rin nga ang mga naliligo sa pool. Mabuti na lang at alas otso, nandito na kami.

Kinaladkad na ako ni Kuya papunta sa mini hotel na sinasabi niya. Mini hotel nga kaya, maliit lang siya. Okay lang kasi kumportable ka naman eh. May aircon, may CR, may bathroom at dalawang single na higaan. Nilagay ko ang bag ko sa bedside table at naisipan kong bumili muna ng tsinelas.

"Ba't di mo sinabing dito tayo pupunta?" tanong ko kay Kuya. Nagkibit-balikat siya.

"Wala lang. Tara, labas na tayo." Tumango ako at kinuha ang DSLR Camera ko.

"Gusto mo bang i-try yung zipline?" tanong ni Kuya nung nasa labas na kami. Agad akong umiling.

"No way. Alam mo namang takot ako sa heights Kuya, eh." Nanginig ang labi ko lalo na nung ngumisi si Kuya.

"It will be fun." at tumawa siya. Sinapak ko siya.

"Huwag ka nga Kuya." Bumusangot ako. Tumawa siya at tumango.

"Okay. Jinojoke lang naman kita eh."

Kinindatan niya ako. Bumuntong-hininga ako at tumango. Naglibot kami sa buong lugar. Pumasok kami sa Mini cave at halos mabingi si Kuya sa sigaw ko.

"AHHHHHH!" sigaw ko nung nakita ko ang maliit na bear. May nakalagay doon na 'Don't go near'. Shocks! Hindi ko na binasa kung anong klaseng bear iyon pero natatakot ako lalo na't madilim.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon