27

51 6 6
                                    

Tahimik lang kami buong byahe. Nakakunot pa rin ang noo ni Kuya pero ako nakangiti sa kawalan. This is so amazing!

"Good night. Sleep tight, Janier." medyo nakangiwing sabi ni Kuya. Ngumuso ako at sumunod sa kanya papunta sa kuwarto niya.

"Diyan ako matutulog." nakangising sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"WHAT? No way!" Pinanlakihan ko rin siya ng mga mata.

"Shhhh! Keep your voice down May natutulog." Inirapan ko siya. Ngumuso siya.

"S-sorry pero huwag ka ngang matulog dito. May kuwarto ka." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Sige na, Kuya. Minsan ka lang naman dito eh. Pretty please?" Ngumiti ako nang bongga. He rolled his eyes.

"O siya! O siya. Mag-shower ka na at bumihis. Ganun rin ako pag okay na, punta ka na dito."

Tumalikod na si Kuya. Tumalon-talon ako at niyakap ko siya galing sa likod.

"Yeyyy! Thanks talaga Kuya! Labyuu!"

Tumawa ako at pumasok na sa room ko. Ginawa ko ang sinabi ni Kuya. Nag-shower ako at nagpalit ng Pajamas at Tshirt. Pinagkaabalahan ko pa ang buhok ko bago ako pumunta sa kwarto ni Kuya. Nakanguso ako habang pinapalitan ang tali ng buhok ko. Sheez!

Nakita kong umilaw ang cellphone ko at nag-appear sa Messenger ko yung profile ni Kuya. Pairap ko itong binuksan.

Edrian Vin Garcia:

Ano? Matutulog ka ba dito o hindi? Sige't papatayin ko na ang ilaw at ilolock ko na ang pinto. Bagal forever!

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko na pinansin yung buhok ko. Pinatay ko ang ilaw sa kuwarto ko at dali-daling binuksan ang kuwarto ni Kuya. Napanguso ako nung nakita kong naka-shorts lang siya at nakapikit. Nilock ko ang pinto niya at lumapit ako sa kama niya.

Tumayo muna ako at, as usual, pumunta ako sa closet niya at kumuha ng T-shirt. Hinagis ko ito sa mukha niyang nakapikit. Minulat niya ito at sinamaan ako ng tingin.

"Ano?" masungit niyang sabi.

"Suotin mo yan." Humiga ako sa kama niya.

"Eh ang init-init kasi." Inirapan ko si Kuya.

"Full nga yung AC mo at ang lamig kaya." Bumuntong-hininga siya at tumango.

"Whatever."

Sinuot ni Kuya ito at hinablot ang Gitara niya. Pumikit siya at umupo ako. Hinilig ko ang katawan ko sa headboard ng kama niya para makaupo siya sa harap ko. Nag-cross legs siya at nagsimulang mag-plucking habang nakatingin sakin.

Why is that sad look in your eyes? Why are you crying?

Tell me now, tell me now Tell me, why you're feelin this way.

I hate to see you so down, oh baby.

Napangiti ako habang nakikinig sa kanya. He's still my Kuya Vin. Nakikita ko sa mga amta niya dahil kumikislap pa rin ito habang nakatingin sa akin.

Just tell me where it hurts. Now, tell me.And I love you with a love so tender.

Oh and if you let me stay, I'll love all of the hurt away.

Inend niya na kaagad ang kanta pero patuloy pa rin siya sa pagtugtog ng iba't-ibang kanta pero hindi na siya kumakanta.

"May bagong banda ka na pala." Tumango siya.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon