15

47 9 1
                                    

Sobrang saya ko nung nag-usap na kami ni Mommy. Napapangiti ako.

"Gandaaaaa!" tawag sakin ni Kuya. Nilingon ko siya at nagpalit pala siya ng khaki shorts. Tinaas ko ang kilay ko.

"Bakit, Kuya?" tanong ko. Ngumisi siya.

"Dinner time." sabi niya.

Tumango ako at tumayo galing sa pagkakaupo ko dito sa seashore at lumapit ako sa kanya.

May isang fastfood chain dito sa resort na 'to. Puro seafoods nga yung sineserve nila eh.

Nag-order na si Mommy at tinulungan naman siya ni Daddy sa pagbuhat ng dinner namin. Kami na lang ni Kuya ang natira dito sa table.

"Witwew. Daming chicks ah." nakangising sabi ni Kuya habang nakatingin sa kawalan. Napanguso ako.

"Oh, ano? Mambababae ka?" tanong ko. Humalakhak siya.

"Nice idea! Pero dahil hindi ako babaero, hindi ako mambababae." sabi nito at tumawa nang mahina. Ngumiwi ako, nagpipigil ng ngisi't tawa.

"Loko ka talaga Kuya." tugon ko.

Nilingon niya ako at nginitian.

"What do you want to do tomorrow?" tanong nito at pinataas-baba ang kilay niya. Napangisi ako.

"Aywan ko. Tanungin na lang natin si Mommy." sabi ko. Tumango siya.

"Kuya, may sasabihin pala ako sayo. Pero, mamaya na." sabi ko. Kumunot ang noo niya pero tumango lang siya.

Maya-maya ay dumating na ang dinner namin kaya nagsimula na kaming kumaing apat.

"Anong gusto niyong gawin bukas?" tanong ni Daddy. Nag-kibit balikat kaming tatlo.

"Hmm. Maghanap kayo ng kaibigan niyo dito?" sabi ni Daddy samin ni Daddy. Ngumuso ako. I don't think it's a good idea. Umiling si Kuya.

"Nah." bored niyang sabi. Sumimangot si Daddy.

"Why? I'm starting to think na anti-social kayong dalawa ha." sabi ni Daddy.

Napangiti na lang ako. Hindi mo alang alam Dad. Tumingin naman si Kuya sa direksyon ko at ngumiti nang mapait. Sumimangot rin si Mommy.

"Your dad is right. Maghanap kayo ng kaibigan niyo dito." suhestiyon ni Mommy.

"Fine. I'll find a girl-friend, Mom." nakangising sabi ni Kuya kay Mommy. Napatawa ako.

"Edrian, what girlfriend are you talking about?" tanong ni Mommy kay Kuya at pinandilatan niya ito. Humalakhak si Kuya.

"You said you want us to find friends. Okay then. I'm finding a giiiiirrl friiiiend." natatawang sabi ni Kuya.

Umiling-iling na lang si Mommy at nagsimula nang kumain ulit. Nag-appear naman si Daddy't Kuya habang nakangisi.

Binalingan ako ng tingin ni Mommy.

"Naku ha. Basta ikaw Janier, huwag mong sundin yang si Kuya mo." sabi ni Mommy sakin. Tumawa si Kuya.

"What, Mom?" tanong ni Kuya. Umiling si Mommy.

"Basta. Huwag kang maging playgirl. Hindi mo lang alam kung ano si Daddy mo noong college pa lang kami. Babaero yan. Nanliligaw kahit di niya naman mahal ang babae." sabi ni Mommy at umiling-iling. Napatawa nang bahagya si Daddy.

"Oh, niligawan naman kita noon ah." sabi ni Daddy. Humalakhak si Kuya.

"Pareho pala sila ni Kuya, My." tugon ko. Ngumuso si Kuya.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon