"Kamusta na?" Nandito kami ni Sean sa isang fastfood chain sa boracay. Hindi pa nga kami nakapagpalit eh.
"Ayos lang. Isang taon rin Ruth." Ngumiti siya nang seryoso.
"Oo nga. Uh, salamat sa pagsagip sakin." Sumubo ako ng pagkain.
"Walang anuman. Kahit ano para sayo." Tumawa kami at kinurot ko siya sa braso niya.
"Sus! Ikaw Sean, a." Tumawa ako.
Nagpapasalamat ako kasi nandito rin si Sean. Nagkuwentuhan kami about sa mga bagay-bagay. Hindi na rin naman pala sila gan'ong nagkikita ng barkada. I feel sorry. Namimiss ko na ang mga kabarkada ko.
Naglalakad na kami ngayon ni Sean sa boracay. Sinuot ko na ang shorts ko at ang seethrough kong damit. Nagsuot rin ng black at fitting na sando si Sean.
"Kamusta naman ang lovelife?" ngiti niya. Bumuntong-hininga ako at ngumisi.
"Wala, ikaw ba?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya.
"Seriously? Eh ang ganda at ang sey mo Ruth, a." humalakhak siya. Ngumisi ako.
"Di, a. Mas pa yung sa USC. Bakit? Sayo ba?" Umiling siya.
"Wala. Kun gan'on, kung mag-aaral ba ako d'on ay makaka-move on na ako sayo?" Nanlaki ang mga mata ko.
Tumawa na lang ako at hindi ko na sineryeso 'yong sinabi ni Sean. Kaibigan ko lang siya at sana ganoon rin ang nararamdaman niya. Tinext ko na si mama na nagkita kami ni Sean at masaya naman siya para sakin kasi may kaibigan rin ako dito.
"Hindi ka ba babalik sa Iloilo?" tanong ni Sean habang nakaupo sa lupa.
"Babalik siguro ngayong Summer pero doon pa rin ako mag-aaral sa USC." Tumingin ako sa kawalan.
"Ruth, kailan ka babalik?" seryosong tanong niya.
"Hindi ko alam. Maybe I'll stay there for good." sabay kibit ng balikat. Ngumiti siya nang mapait.
"Miss ka na namin." Parang piniga ang puso ko sa sinabi ni Sean. Yumuko ako.
"Si Hailey ba?"
"Well...oo. Syempre kabarkada rin siya natin pero hindi namin alam bakit ikaw ang sobrang namiss namin." Tumingin ako sa direksyon niya.
"Close friends kasi tayo." Tumikhim siya.
"Yep. Hindi mo alam kung ano kasakit ang maiwan." His words hit me. Hindi kasi guilty ako pero feeling ko, ako dapat ang nagsasabi n'on kay... Bumuntong-hininga ako.
"Alam ko, Sean." seryoso kong sabi. Tumayo na ako at ngumiti.
"Sige. Balik muna ako sa hotel. Ikaw?" Tumayo na rin siya at nagkibit-balikat.
"Dito lang ako. Hihintayin ko muna si Dad. Sige, Ruth."
Nagpaalam na ako kay Sean at nagsimula na akong maglakad papunta sa hotel. Nand'on si mama, nanonood ng TV. Ngumiti ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Ma." sabi ko. Nginitian niya ako.
"Kamusta ang date niyo ni Sean?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Anong date? Di ah! Gumala lang kami." Tumango si mama sabay ngisi.
"Ahh. Gan'on ba?"
Mapang-asar na ngiti ang binigay niya sakin. Ngumuso na lang ako at niyaya ko siyang kumain sa labas para makakain na ng tanghalian.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...