Bumuntong-hininga ako. Nakatitig lang si Kuya samin nang may sumulpot.
"Uh, Edrian, pwede bang makasayaw si Ruth?" Kumalabog ang puso ko nung nakita si Kyle. Nanliit ang mga mata ni Kuya at tumingin siya sakin.
"Janier-"
"Sige na, Kuya." Nagmamakaawa ang tingin ko sa kanya.
"But-"
"Just go." Sabi ko.
Matalim niya akong tinignan tapos inirapan. Pagalit niyang itinapon sa ere ang kamay ko. Kinabahan ako sa galit ni Kuya, a. Bumalik na lang ako sa aking ulirat nang hinawakan ni Kyle ang kamay ko. Kinagat ko ang aking labi.
"You look beautiful this night, Ruth." Ngumiti siya sakin. Ngayon lang naman ata Kyle eh. Kung beautiful ako dapat ako yung kapares, hay, nevermind. Tumango lang ako.
"Salamat. Gwapo ka rin naman Kyle." Ngumuso ako. Bumuntong-hininga si Kyle.
"Ruth, cool ba tayo?" Nabigla ako sa tanong niya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin Kyle?" Kumunot ang aking noo.
"Ba't parang iniiwasan mo ako? Malapit nang matapos ang School year." Kinagat ko ang aking labi.
"Hindi Kyle, ah." Sabi ko.
"Ruth, sabihin mo na lang yung totoo kung iniiwasan mo ba talaga ako." Suminghap siya. Mabigat ang bawat paghinga ko.
Lumakas pa ang pintig ng puso ko nung nakita kong inilapit niya ang mukha niya sa aking mukha. I swear pulang-pula na ako! Kinagat ko ang labi ko at unti-unting pumikit. Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko at may binulong si Kyle sakin.
"Mahal ko si Mandy sobra pa sa pagkakaibigan."
Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapag-react. Unti-unti akong tumingala para huwag pumatak ang luha ko. Bakit kailangan mo pa akong saktan Kyle?! Tapos si Mandy pa? Agad akong bumitaw.
"Ruth." Ngumiti siya. Ngumiti ako nang peke.
"Kyle, kailangan ko nang umalis."
Tumakbo ako palayo dun. Pinunasan ko ang luhang kanina pang nagbabadyang tumulo. Thanks for the waterproof make-over! Humagulgol ako. I didn't expect na masasaktan ako nang sobra. Akala ko like lang pero mahal! Mahal nia si Mandy! He's freakin' inlove with my best friend!
Hinanap ko si Kuya pero hindi ko siya nakita. Kuya, please, kailangan kita sa ngayon. Please magpakita ka. Kanina pa ako naglilibot sa Campus pero hindi ko siya makita. Nagsimulang tumulo ulit yung luha ko. Ngayon pa? Akala ko ba obligasyon niyang ihatid at isundo ako? Nangangawit na ang paa ko sa kakahanap sa kanya.
Humikbi ako at nung huli ay napasyahan kong umuwi na lang. Pumara ako ng taxi at mabuti na lang inuwi niya ako nang maayos.
"Ruth." Niyakap ako ni Mommy.
"Thank goodness you're okay!" Sabi niya. Tumango ako.
"Mommy, asan si Kuya?" Tanong ko. Bumitaw siya sa yakap.
"Kanina pa siya dito. May nangyari bang masama? Okay ka lang?" Tanong niya.
"Wala, Mommy. Okay lang ako." Sabi ko.
Sinabi ko kay Mommy na gusto ko nang magpahinga kaya hindi na siya nag-interrogate. I badly want to talk to my brother! Kaya nung nasa itaas na ako ay nag-half bath ako kaagad at kumatok sa kwarto niya. Walang sumagot kaya humingi ako ng duplicate keys kay Yaya at binigay naman niya ito.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...