Pumula yung pisngi ko sa ginawa ko pero agad rin akong lumabas sa sasakyan niya. Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa sasakyan ko. Nang nakasakay ako ay nandyan pa rin ang sasakyan niya. Kinagat ko ang labi ko at nang nagdrive na ako ay tumakbo na rin ang sasakyan niya. Nagkibit-balikat ako.
Mas nauna siya sa akin nang kaunti. Mabagal akong magdrive para sigurado ako. Malayo na yung sasakyan niya sakin kaya nandun na siya siguro ako, nagbibyahe pa lang.
Nang nakarating ako ay dali-dali rin akong lumabas sa sasakyan ko. Nakangiti ako nung bumaba ako pero nabura iyon nang nakita ko sina Ate Lovely at Edrian na nakangiti habang nag-uusap. Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam pero may kakaibang kirot na naramdaman ang dibdib ko.
Ngingisi pa sila habang nag-uusap. Kinagat ko ang labi ko at parang may malaking bato na humampas sa puso ko. Napalunok ako. Bumara ang lalamunan ko nang nakita kong inilapat ni Ate Lovely ang labi niya sa labi ni Edrian Vin. Napanganga ako. Nanigas siya sa ginawa ni Ate Lovely at nung nahagilap ako ng mga mata niya'y nanlaki ang mga mata niya.
Bumuntong-hininga ako at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Shocks! Ba't ka umiiyak Ruth? Ilang minuto nang tumutulo ang mga luha ko. Hindi pwede 'to! Nasa kalagitnaan ako ng moment ko nang narinig kong may kumatok. Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang itsura ko't nandyan ang maglilinis.
Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon. Nalaglag ang panga ko nang nakita kong si Edrian Vin ang nasa pinto. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sakin.
"Janier." namamaos niyang tawag sakin.
"What are you doing here?" Oh my gosh! Nanginginig ang labi ko. Sumimangot siya.
"Pwede ba akong pumasok?" AS if naman may choice ako kasi pumasok na rin naman siya at di pa nakuntento, umupo pa sa sofa!
"Ano?" sungit kong tanong. Kinagat niya ang labi niya.
"I'm sorry." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"For what?" tanong ko.
"For what you saw." sabi niya. Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko.
"Uhm-"
"I'm sorry if you were hurt." sabi pa niya. Umiling ako.
"Hindi." simple kong sagot. Tumikhim siya.
"Hindi ako ang humalik sa kanya. It wasn't my intention to kiss her and I didn't kiss her back, really." sabi niya. Bumigat ang bawat paghinga niya.
"Anong pinaglalaban mo?" tanong ko. Kinuyom niya ang panga niya.
"Janier, I'll be honest with you. When I'm with you, there's no place I'd rather be. I love you and you know that. I love you so much, so much! Na hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. I'm going crazy. Matagal na kitang mahal." Nangilid ang luha sa mga mata ko.
" Kuya, mahal naman kita-"
"Mahal mo ako bilang Kuya mo pero hindi tayo magkapatid! Hindi tayo magkapatid and obviously, ibang pagmamahal ang sinasabi ko sayo." Nanlisik ang mga mata niya.
"Minahal kita noon nang pasikreto kahit bawal. Hindi mo alam kung ano kabilis ang pintig ng puso ko tuwing nandyan ka. It's not normal and I knew that time na dapat kitang iwasan. Pero paano kita iiwasan na kung wala ka, feeling ko kulang ako." Napanganga ako. Mahirap i-digest ang mga pinagsasabi ni Kuya sakin.
"I've loved you. Storge lang siguro ang pagmamahal mo sakin pero yung pagmamahal ko sayo ay eros." Umiling ako.
"Kuya, hindi to pwede-"
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...