Nag-enjoy kaming dalawa. Parang wala lang sa amin ang mundo. Masaya kami kahit dalawa lang kami ang naroon. He made me feel special that's why I love him. Kung hindi matanggap ng mundo ang imperfections at flaws ko ay siya ang nakangiting humihintay sakin and he will kiss all my defects.
Bumangon na ako at naligo. Nakangiti ako noong bumangon ako. Hinawakan ko ang labi ko. Parang baliw akong nakangiti at kinakagat ang labi ko. Tinapos ko na ang pagliligo ko at nag-ayos na ako.
Maaga pa naman kaya naisipan kong pumunta muna sa unit ni Edrian. Ibinalik niya sakin ang spare key niya kasi di daw niya kayang tingnan ang cabinet na dalawa ang susi. Sabi ko nga itapon niya pero pinandilatan niya ako kaya kinuha ko na rin iyon.
Noong pumasok ako ay nakita kong maayos yung gamit niya. Naka-organize ang lahat. Nagkibit-balikat ako. Baka kalilinis lang niya. Pumunta ako sa sala pero wala siya doon. Ang linis at ang ganda na ng unit niya ah. Tumawa ako at tumungo na sa kusina.
Wala din siya doon. Pumunta na ako sa kwarto niya at kumatok. Ilang segundo siyang hindi sumasagot kaya binuksan ko na lang ito at bumungad sakin ang matamlay na nakahiga na si Edrian.
"Janier." namamaos niyang sabi. Lumapit ako sa kanya.
"Anong nangyari sayo?" Hinawakan ko ang noo niya at nag-aalab ang init nito. Sumimangot ako pero ngumiti siya.
"Bakit ka nandito?" tanong niya.
"Bakit hindi mo sinabi sa aking may sakit ka? Kung di pa ako pumunta ay hindi ko pa malalaman." iling ko at umupo sa gilid ng kama niya. Pagod siyang ngumisi.
"Baka magalit ka at sasabihin mong wala kang pakialam kasi hindi mo naman ako boyfriend." Sumimangot ako lalo.
"Iyon pa talaga ang iniisip mo ah. Syempre mahalaga ka sa akin." sabi ko at ginala ang mata ko para hanapin ung thermometer niya.
"Ano bang ginawa mo?" tanong ko at tumayo para kunin yung thermometer niya sa cabinet.
"Naglinis." Nilingon ko siya.
"Pansin ko nga. Ang linis ng unit mo eh."
Lumapit ako sa kanya at hinawi ko yung kumot niya ang kaunti pero wala pa palang damit ang moko.
"Bakit hindi ka sumusuot ng damit?" Kumunot ang noo ko.
"Tapos full pa yung aircon!" dagdag ko pa. Bumuntong-hininga siya.
"Ang init." sabi niya. Mariin akong pumikit.
"Loko-loko ka talaga Edrian!" Kumuha ako sa closet niya ng damit at pati ito ay malinis.
"Ano bang pumasok sa utak mo at sobrang linis nitong unit mo?" sabi ko.
"Wala lang, sinipag lang ako." halakhak niya.
Hinagis ko sa kanya ang V-neck shirt at pinatay ang aircon. Ngumuso siya at sinuot niya ito. Umupo ulit ako sa gilid niya at pinagmasdan ko siya. Bumuntong-hininga siya at umiwas ng tingin.
"Huwag kang masyadong magpapagod, ah? Magpagaling ka." sabi ko at sinuklay ang buhok niya gamit ng mga daliri ko. Mariin siyang pumikit at tumango.
"Uh, o-oo." sabi niya. Kinuha niya ang thermometer at binigay sa akin dahil tumunog na ito.
"39.7 degrees. Ang taas ah." iling ko. Nilagay ko ang thermometer sa gilid at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Biglang sumagi sa isip ko ang klase ko.
"Teka, anong oras na pala? May klase pa ako." Tumayo ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Ang init ng palad niya.
"Please don't leave." seryosong sabi niya. Tumindig lahat ng balahibo ko. Hindi ko alam pero pinipiga ang puso ko sa tono niya at habang nakatingin ako sa kanyang pagod na pagod. Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...