Tinikman ko ito at totoo nga, masarap. Mas marami pa nga akong nakain eh. Habang kumakain ako eh nanotice kong nakatitig siya sakin. Nakakailang- err kilig rin. Hohoho. Nilingon ko siya at nung nagtagpo ang paningin namin eh nginitian ko siya.
"Ano?" tanong ko at ngumuso. Ngumiti siya at lumabas ang dimples niya.
"Wala. Alam mo ang cute mo. Nakakaawa ka naman. Hindi ka nakatikim ng mga ganyang pagkain." sabi niya. I swear nanginginig na talaga ang tuhod ko. Natigilan ako sa lakas ng pintig ng puso ko .Nginitian ko siya.
"It's alright." yun nalang ang nasabi ko. Ugh, naspeechless ako!
Nung nagsimula na kaming ulit maglakad eh, napapatitig ako sa kanya. Nung huli, nahuli niya ako nung lumingon siya.
"Gotcha!" sabi niya at humalakhak. Ngumuso ako at hinampas siya nang mahina sa braso.
"Alam mo kung hindi lang talaga kita kaibigan, iisipin ko na may gusto ka sakin." sabi niya at ngumisi. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hmm, bakit naman? I mean, let's say na may gusto nga ako sayo-" Lumaki yung ngisi niya sa sinabi ko. Sinapak ko siya.
"Let's say lang nga eh. Loko to!" sigaw ko. Tumawa siya.
"Sige, sige. Continue." sabi niya. Umiling ako.
"Huwag na." sabi ko. Ngumiwi siya.
"Sige na ngaaaa." sigaw niya.
"Uh, kung friend mo ba eh di pwede magkagusto sayo?" tanong ko. Ngumisi ulit siya at alam ko ang ngising yun. Grr! Sasapakin ko talaga ulit to.
"Bakit? Gusto mo ba ako-? Aww!" sigaw niya nung kinirot ko siya sa tagiliran niya. Binelatan ko siya kaya ngumuso siya.
"Ang sakit nun ah!" sabi niya.
"Sorry. Eh, ano na nga?" tanong ko at nagpoker face. Ngumiti siya nang seryoso.
"Syempre, hindi. Kasi nga kaibigan nga lang di ba?" sabi niya. Natameme ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako.
Hindi ko alam kung anong pwedeng maramdaman. That's right. Hindi ko siya pwedeng magustuhan kasi kaibigan nga lang diba? Napabuntong-hinga ako.
Nung nakauwi na ako, hindi ko pa nakikita si Kuya kaya naisipan kong mag-luto.
Idadaan ko na lang 'tong frustrations ko sa pagbe-bake. Alam ko madalian lang yung kay Kuya na medyo di ako pinapansin. Isusurprise ko siya sa pagluluto ko ng pie.
Nagbihis muna ako at nag-ayos. Hinanda ko na ang mga kailangan ko.
Wala pa rin silang tatlo. Ako lang at yung mga katulong, guards yung nandito.
Naisipan kong damihan ang gagawin kong pie. Isusurprise ko rin sina Mommy't Daddy para kahit sa ganitong bagay lang mapasaya ko rin sila.
Nilagay ko ang mga itlog sa malaking glass bowl para i-mix. Nasa gitna ako ng pag-mimix nung aksidente kong natamaan ito gamit ng siko ko.
Nabasag ko yung bowl na binigay ng ka-sosyo ni Mommy sa kanya. Naiyak ako. Magaglit na naman sila nito sakin.
Na-jackpot rin at tumunog yung door bell. Nilingon ko ito at bumungad sakin ang mga galit na itsura ni Mommy't Daddy sakin.
"M-mommy, D-daddy-"
"WHAT DID YOU DO?!" sigaw ni Mommy at dali-daling tumakbo papunta sakin.
"Mommy, sorry-"
"SORRY?! You think yung sorry mo eh babayad sa binasag mo?" sigaw niya sakin. Lumapit naman kaagad si Daddy samin.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...