29

39 6 7
                                    

Napapikit ako sa mga iniisip ko. Kumawala ako ng isang malalim na hininga para kalmahin ang aking sarili. At pinunasan ko ang luhang tumakas sa mga mata ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bahay namin. Agad akong napapigil ng hininga nung nakita ko ang babaeng iyon na nasa sala at kausap yung mga magulang ko.

Agad na naman akong kinabahan. Hindi na ito tama. Hindi naman ako umiinom ng kape, a? Pinipikit-pikit ko ang mga amta ko at dinilaan ang aking mga labi.

"M-mom?" tawag ko. Tumingin sila sakin at lumiwanag nang kaunti ang itsura ng babae.

"R-ruth." tugon ni Mommy. Naglakad ako papunta sa kanila.

"What's up?" sabi ko at ngumiti nang pilit.

"She's Hanna Mandala, Ruth." sabi ni Mommy. Tumango ako at lumapit sa kanya.

"Hi po." Nagbeso ako. Nakalugay na ngayon yung buhok niya. Parang kanina lang kami nagkita, a? At kilala pala siya nina Mommy?

"Hi." nakangiting sabi niya. Umupo ako sa isang sofa at humalukipkip.

"Where's your brother?" tanong ni Daddy.

"Bumalik na po siya sa Condo niya." Lumunok ako at nakita kong tumango si Daddy.

"Siya ba 'yong kanina?" Tumagilid ang ulo ni Tita Hanna. Tumango ako.

"Opo." Ngumiti ako.

"I thought he was your boyfriend." Ngumiti siya. Napawi ang ngiti ko. Maganda yung pagbigkas niya sa language na English pero hindi maganda yung sinabi niya. Agad akong umiling.

"No. It's not possible." tugon ko. Tumango siya.

"Why not?-"

"Ruth, can you go to your room?" tanong ni Mommy. Kumunot ang noo ko pero tumango na lang ako.

"Mauna na po ako."

Ngumiti ako at tumalikod na. Pumunta ako sa kwarto ko at kaagad humiga. Sinubsob ko ang aking mukha sa unan at narinig na naman ng utak ko ang binulong ni Kuya. "Suck it! I can't believe I'm inlove with my sister!" Hindi sana ito yung binulong niya pero kung ito man, no. Hinding-hindi 'to pwede. It's not possible. Hindi ko papatulan si Kuya dahil hindi pwede at ayaw ko.

Gabi na nung naisipan kong bumaba. Nandito pa lang ako sa hagdanan at laking gulat ko na naroon pa si Tita Hanna. Ang nagawa ko lang ay ang tumunganga sa sinigaw niya.

"She's my daughter!" sigaw ni Tita Hanna. Umiling si Mommy habang umiiyak.

"We won''t give her to you." Lumipad ang mga kamay ko sa aking narinig.

"Matagal ko na siyang hinahanap tapos ngayong nakita ko na siya, hindi niyo pa siya ibabalik sakin?" sabi ni Tita Hanna. Umiling ako.

"We treated her as our daughter."

"But, she's not. She's not your daughter and she will never be your daughter."

"Anak siya namin. Utang na loob, Hanna." Walang magawa si Daddy kundi ang tahanin si Mommy.

"Mom." sa wakas nakapagsalita rin ako. Natigilan silang lahat at tumingin sila sakin.

"I-is it true?" tanong ko. Tinignan ni Mommy si Daddy.

"Anak niyo ako, diba?" Nabasag ang boses ko.

"Oo, anak k-ka namin." sabi ni Mommy habang humihikbi.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon