"Lights off will be 45 minutes after the last activity is done."
Humikab ako habang nakikinig sa striktong guro na nasa harapan namin, sinasalaysay ang mga kailangan naming gawin. Agad kong sinulat ito sa cattleya ko. Kinalabit ako ni Michelle kaya nilingon ko siya.
"Hmm?" tanong ko.
Ngumiwi siya. "Ang lamig. Gusto ko nang matulog." simangot niya.
"Ako nga rin eh." tugon ko at tumingin ulit sa harap.
"Saan mo sinampay ang basa mong damit?"
Bumuntong-hininga ako bago ko siya sinagot. "Doon na muna sa banyo. Pinatulo ko lang kasi nagmamadali ako kaninang bumihis." sagot ko at nilingon siya. Tumango si Michelle.
"Bukas palabasin mo na. Ilagay mo sa bintana ko at buksan natin ang kurtina para mainitan."
Tumango rin ako, "Sige, salamat."
"Bakit ka ba nabasa? Hindi ka ba nagsilong kaagad? Baka atakihin ka ng sakit, ah?" simangot siya. Si Edrian kasi! Iyon ang gusto kong isagot pero pinilig ko lang ang ulo ko.
"Sorry. Medyo malayo pa kasi ako sa sinisilungan." ani ko.
Hindi na siya umimik kaya nakinig na rin ako. Parang sirang video na nag-rereplay sa utak ko ang halikan namin ni Edrian kanina. Ngayon na ako inatake ng hiya. Ano na lang ang ipapakita ko sa kayang mukha? Kung hindi pa niyang sinabing mahal niya ako ay hindi pa ako matatauhan.
Sobrang nakakapagod ang araw na ito kaya kahit guilty pa ako sa halikan namin ni Edrian ay kaagad rin akong nakatulog.
Kahit labag sa kalooban ko ay minulat ko pa rin ang mga mata ko dahil may morning exercise pa kami. Tiningnan ko ang clock sa bedside table ko at alas kuwatro kuwarenta y singko na pala. Nilingon ko ssi Michelle sa gilid ko at mabigat rin ang kanyang mata.
"Ano ba 'yan! Nakakainis. Inaantok pa ako eh."
Ngumisi ako at tumayo na. "Bilisan mo d'yan Michelle. Mamaya na ako sa preparation maliligo. Mag-eexercise pa naman kasi tayo." sabi ko.
Naka-leggings ako at simpleng Nike na sleeveless jersey ang sinuot ko. Nagsuot rin ako ng hoodie kasi malamig pa ang umaga. Umupo kami ni Michelle sa upuan at medyo marami na rin ang estudyante dito. Kaunti lang ang mga boys at tanto kong may talent talaga sila sa pagluluto.
Pagkatapos ng exercise ay dumiretso na kami sa mess hall at nand'on pala ang banda ng kada school. Nasulyapan ko si Alexis at nag-uusap na naman sila ng Kuya ko. Umiwas ako ng tingin. Bagay talaga sila. Bumuntong-hininga ako. Akala ko HRM student siya, iyon pala kalaban siya nina Edrian sa BOTB.
"Bro, kalaban pala natin 'yon? Grabe! Hot na nga, sigurado akong magaling pa boses n'on."
Umiling-iling ako. Ngumisi kami sa sinabi ni Cred. Badboy talaga siya. Puro babae lang ang nasa utak. Ngumiti si Edrian at sinulyapan niya ako. Hindi ako nagpakita ng kahit anong ekspresyon sa kanya. Sariwa pa sa utak ko ang nangyari kagabi.
"Ruth, manood ka ng contest namin mamaya, ah? Doon kami malapit sa field. I'll expect you there."
Ngumiti siya sakin at umalingawngaw talaga ang sinabi niya. Maraming tumingin sakin. Wala namang umirap at sumama ng tingin sakin kasi mababait naman ang mga kasama ko. Namula ako sa sinabi niya. Dinilaan ko ang labi ko at tumango habang nakatingin sa kanya.
"Sure. Don't worry, pupunta ako." ngiti ko.
Umiwas siya ng tingin dahil namula siya sa sinabi ko. Ngumisi ang mga kasama namin sa table dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...