"Huy! Anong binubungisngis mo dyan?" tanong ko at nag-snap ng fingers sa harap niya. Umiling siya.
"Tssss! Wala! Angas talaga ng Zach na 'yon!" sabi niya sa kawalan.
"Anong problema mo?" tawa ko. Sumimangot siya sakin.
"Pwede bang huwag kang masyadong friendly, Janier? Nakakairita na ha." Umirap siya.
"Ba't ba nagkakaganyan ka? Kanina ka pa, a?" tanong ko.
"Nagseselos ako eh. Ano? May angal ka?" tanong niya. Pinaikot ko ang mga mata ko sabay halukipkip.
"Tara na nga."
Hinawakan ko ang kamay niya at kinaladkad ko siya papunta sa isang ice cream parlor. Tatawa-tawa pa ako habang binnibilhan ko siya ng tsokolateng ice cream.
"Ikaw taalaga." Ginulo niya ang buhok ko. Inirapan ko siya at kaagad kong inayos ito.
"Ang bilis magtampo eh. Ayan na oh, yung comfort food mo." sabi ko. Ngumisi siya.
"Salamat." Tumango ako sabay halakhak.
"Alam ko namang iyan lang ang magpapakalma sayo eh." Umiling siya sabay dila sa ice cream niya.
"Nah." Ngumiwi ako.
"Huh?" Pilyo siyang ngumisi.
"Ang bumigay ng ice cream ang magpapakalma sakin." Ngisi niya. Pumula ang pisngi ko at hinampas ko siya nang mahina sa braso.
Inubos na namin ang ice cream namin at panay naman ang asaran namin. May humahaplos sa puso ko. Hindi ko pa nasabi sa kanya ang nararamdaman ko pero siguro nararamdaman niya rin iyon. Pero dapat kailangan niya rin itong marinig kasi iba talaga ang gawa lang kung ikukumpara mo sa salita na may gawa.
"Okay rin." Tumawa ako. Sumimangot siya.
"Ikaliang damit ko na 'to tapos puro 'Okay rin' ang naririnig ko." Ginaya pa niya yung tono ko sa 'Okay rin' kaya humagikhik ang mga saleslady. Napatawa ako nang bahagya sabay iling.
"Sorry naman." tugon ko. Bumuntong-hininga siya at lumapit sakin.
"Bibilhin ko 'tong lahat ng 'to kasi sabi mo okay ang lahat sakin kaya ikaw na dun magsukat." ngisi niya at sinalampak ang katawan sa sofa dito sa Dept. store.
"Wala akong pera, seryoso." sabi ko. Inirapan niya ako.
"Anong silbi ko?" tanong niya. Nagkunwari akong nag-iisip.
"Uh, driver?" Pinandilatan niya ako.
"Wow, ang sweet mo, a. Nagbo-boyfriend ka pala ng isang driver." tawa niya. Uminit ang pisngi ko. Boyfriend? Nanligaw ba siya? Napanguso ako at nakita kong napasinghap at kinilig ang mga saleslady. Grrr! Ba't kailangan nila kaming i-eavesdrop? Andami pa kayang tao dito. Tssk! Tumayo na lang ako.
"Osige, kamahalan." sabi ko at humalukipkip.
"Oo, kaMAHALan mo nga ako." Tumawa siya. Umirap na lang ako sabay halakhak.
Edi ano pa ba? Siinuot ko lahat nang pwedeng isuot. Ang moko ay binalikan ako. Puro tango lang yung ginagawa niya. Kainis, ah?! Hindi niya man lang ako sinabihan na maganda kahit sa isang damit man lang. Puro 'okay lang' ang maririnig mo.
Umiling na lang ako at nakasimangot habang binabayaran niya ang pinamili namin. Andami nito! Ngumuso ako at tinulungan ko siya sa pagbitbit.
"Oh, anong sinisimangot mo dyan?" tawa niya nang nakalaba na kami. Umiling ako.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...