Todo pilit si Mandy na sabihin ko sa kanya kung sino ang gusto ni Kyle pero hindi ko sinasabi sa kanya at baka mapagalitan pa ako ni Kyle.
Dumaan ang mga araw at lumamig pa nang lumamig ang turing ni Kuya sakin. Eto ba ang kapalit ng mga taong naging mabuti siya sakin? Akala ko isang gabi o araw lang iyon pero lumipas ang mga araw ay wala pa ring nagbabago eh. In fact, mas lumamig pa siya. Kinakausap na lang niya ako pag necessary na tapos parang mafri-freeze ka pa sa lamig. Umiling-iling ako.
Si Kyle naman ay hanggang kaibigan ko na lang talaga. Akala ko mahal nila ako ni Kuya pero silang dalawa ang rason bakit gabi-gabi ako umiiyak. Nasasaktan na ako ah. Nakakainis na sila. Pero kailangan ko itong tanggapin. Okay lang na ako ang masaktan basta huwag lang ang ibang tao.
Hindi naman nakikita nina Mommy't Daddy na may nagbago sa relasyon namin ni Kuya. Naninikip ang dibdib ko tuwing iniisip kong parang hindi na niya ako mahal. I seldom see him with girls. Bumuntong-hininga ako. May pumalit na ba sakin sa puso niya? Iyon ba yung babaeng mahal niya?
Dumating na ang Graduation ni Kuya. Nakakapagtaka lang na hindi naman nagbago yung relasyon niya sa mga kaibigan niya, a? Bakit sakin sobrang iba na?
Nakita kong nakipagbeso siya sa mga kaibigan niya. Fresh graduate na sila sa High School. Ang naalala kong kukunin ni Kuya ay Medicine. Umuumapaw na ang luha ng mga kaklase niya. Nandito lang ako sa gilid, nagmamasid sa kanila.
Nanginig ang labi ko nung nakita kong palapit na dito si Kuya sa table namin. Lumunok ako at uminom ng tubig. Nagkamayan sila at hinalikan nina Mommy't Daddy si Kuya sa kanyang pisngi at sinabihan ng Congratulations dahil graduate na siya.
Nakangisi siya pero umiba ang kanyang ekspresyon nung nahagilap ako ng mga mata niya. Confident akong tumayo at lumapit sa kanya. Ngumiti ako at dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa pisngi niya at hinalikan ito.
"Kuya, congratulations."
Thank God hindi ako nautal nung sinabi ko iyon. Narinig kong suminghap si Kuya at tumango.
"T-thanks, Ruth."
Yumuko ako. Hindi na niya talaga akong tatawagin na Janier o di kaya'y ganda. Gabi-gabi kong iniisip kung ano ang mga naging kasalanan ko kay Kuya. Iniisip ko ang mabibigat kong kasalanan o di kaya kahit yung maliliit lang pero I always end up thinking nothing.
Hindi naman ako naging ma-pride ah. Walang pride ang umiral sakin pero mukhang hindi pa rin kuntento si Kuya a si Kyle. Nilunok ko na ang lahat na pwede pang ilunok pero sadyang wala talaga. Napapangiti na lang ako nang mapait tuwing naaalala ko ang mga alala namin.
"Mommy, alis na ako." Narinig kong sabi ni Kuya nung pababa na ako ng hagdanan.
Natigilan ako at dali-dali akong bumaba. Nalaglag ang panga ko nung nakita kong may mga maleta siyang dala. Napalunok ako para huwag tumulo yung luhangg bumabara sa lalamunan ko..
"Kuya." Sabi ko. Kinagat niya ang kanyang labi at tumingin sa kawalan.
"I thought you were asleep." Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nung narinig ko siyang nakikipag-usap sakin nang matino. Hindi na ito malamig. Bumalik na sa dati.
"San ka pupunta?" Tanong ko.
"Kinunan na namin ng Condominium ang Kuya mo, anak." Sabi ni Mommy. Nanlaki ang mga mata ko.
"WHAT?" Halos pasigaw kong tanong. Tumango si Daddy.
"Yes. He'll stay in his Condominium hanggang sa gumraduate siya sa College." Kinagat ko ang labi ko at hinanap ang bloodshot na mata ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
TienerfictieJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...