35

52 8 7
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at eto ako ngayon, nakatayo sa labas ng USC. Pumikit-pikit ako at pinagmasdan ang mataas at matayog na building. Pumasok na ako at tinahak ang daan papunta sa building ko.

Masikip ang daanan kaya hindi ko makita kung asan na ako. Naisipan kong magpahinga na lang muna at tignan yung schedule ko. Umupo ako sa bench at binasa ang aking schedule. Habang nagbabasa ako ay may narinig akong naghihiwayan. Kumunot ang noo ko pero hindi ko na iyon pinansin.

I miss the taste of the sweet life

I miss the conversation

I'm searching for a song tonight

I'm changing all of the stations

Natigilan ako nung narinig ko yung kumakanta. Maraming tumitili at halos hindi mo na marinig yung tunog ng drums dahil sobrang ingay nila. Kumalabog ang puso ko at mariin akong pumikit. I'm pretty sure na malapit lang sila dito. Tumikhim ako at dahan-dahang lumingon. Hindi ako nagkamali, nasa likod ko lang sila. Nand'on sila sa Gymn ng School at maraming students ang pumapalibot sa kanila.

I was there for you in your darkest times

I was there for you in your darkest nights

But I wonder where were you when I was at my worst down on my knees

And you said you had my back so I wonder where were you

Pumikit-pikit ako at dinilaan ang aking labi. Kinagat ko rin ito habang tinitignan si Edrian Garcia na kumakanta. Kumikinang ang diamond earring niya sa kaliwang tainga niya. Sobrang laki ng ngisi nia habang kinikindatan ang mga babaeng nagha-hyperventilate sa kilig. Inangat ko ang tingin ko at tumayo ako. Humalukipkip ako habang tumitingin sa bandang The Yellow Turban.

Halos lahat ng Musicians ay guwapO. Kaya nga marami silang fans eh. At talagang Maps pa ng Maroon 5 yung kinanta nila, a? He was someone who's interested in the slow musics. Pero mukhang nagbago na iyon. Tinaas ko ang kilay ko at ngumuso. But he doesn't worry because his voice still suits those kind of music. Feeling Adam Levine ampeg niya. Nakataas ang buhok niya at kagat-Labi siya tuwing nagpapause yung vocals.

I smiled bitterly. He changed. Marami nang babae ang sinusulyapan niya. I don't expect na isa ako dun. Noon ako lang yung babaeng pinagtutuonan niya ng pansin. But, who cares? Everybody loves him changing. Well, except for me. I will never be his special girl. Isa na lang ako sa mga babaeng tahimik at malayong nahuhumaling- urm, ehem, I mean, nagmamasid sa kanya.

Tumalikod na ako at dumaan sa mga estudyanteng halos mabali na yung leeg sa kakatingin sa kanila. This is my chance. Wala nang masyadong dumadaan kasi spaced out sila sa boses ng lalake sa harap. Nagkibit-balikat ako at naglakad papunta sa klase ko.

Halos dumugo yung utak ko sa mga lessons namin. May mga professor ngang wala nang paki sa mga introduce chuchu basta pagkapasok nila'y diretso na sa test. Mabuti na lang talaga at marami pa rin akong alam kahit dumudugo na yung utak ko at baka tunganga mode lang ako dun.

Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa sling bag ko at naglakad papunta sa canteen. Ngayon ko lang naalala si Hailey. Ngumuso ako at ni-dial yung number niya.

"Hello, Ruth! Oh my goodness! Ang saya!" tuwang-tuwa niyang sabi. Tumawa ako at tumango.


"Paano mo nasabi?" tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko yung course kong Business eh. Anywaaaaaay, ang hot ng Yellow Turban! Oh my gosh! Oh my gosh." tiling-tili pa si Hailey. Humalakhak ako.

"Oh, sinong crush mo dun?"

"Hindi ko alam yung name niya basta yung bokalista. My gee! Ang hot niya. Tapos bukas pa yung unang tatlong butones ng damit niya." Humupa nang kaunti yung halakhak ko sa sinabi ni Hailey. Nakalimutan ko siya. Oh great, Ruth. Kahit sino naman sigurong tatanungin mo ay yugn sasagutin nila ay si Edrian. Pinilig ko ang ulo ko.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon