53

31 7 7
                                    

Mabilis lumipas ang Summer kahit na nagdurusa ako kasi wala akong magawa! Sobrang boring ng Summer ko. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong dalawang buwang nagmumukmok.


Eto't nagpapasalamat ako kasi 2nd year college na ako. Marami nang nagbago sa eskwelahang ito. Nilingon ko ang gymn na kung saan, first day n'ong first year college ako ay may lalakeng kumakanta d'on at halos humadusay sa kilig ang mga babaeng pinapasadahan niya ng tingin.


"Kyle!"


Niyakap ko kaagad siya n'ong nakita ko siya sa corridor. Wala akong pakialam kung marami ang tumitingin sa amin. Paki nila? Magkaibigan lang naman kami ni Kyle eh, tsss! No more, no less. May humigit sa braso ko at yumakap sakin sabay beso.


"Hi Ysabelle!" Nakipag-beso ako sa kanya.

"Tsss, di pa nga ako bumabati kay Ruth eh." iling ni Kyle. Ngumisi ako at inirapan naman siya ni Ysa.

"So? Eh mas mahal naman ako ni Ruth."

"Anong mas mahal?! Di, a! Asa ka pa! Mula Elementary ako na ang kaibigan niya, ikaw, sumingit lang ngayong college."

Tumawa ako habang sila'y nagbibigayan ng death glares, "Ano ba naman kayo? Mahal ko kayong dalawa." kumindat ako.

"Hindi pwede 'yan! Childhood friends kaya tayo."

"Oh, eh ano? May mga bagay na kami lang ni Ruth ang nakakaintindi."

"May mga bagay na hindi niyo naiintindihan at ako lang ang pwedeng sabihan ni Ruth." Pinaikot ko ang mga mata ko.

"Mga baliw. May klase pa tayo."


Pinadugo na naman ang mga utak namin sa pre-lims. Hindi naman ako minsan makakahingi ng tulong kay Ysa kasi busy rin naman siya at hindi compatible ang course namin. Gan'on rin si Kyle. Tapos kung magkikita kaming tatlo, panay pa ang bangayan nila. Madalas palihim lang akong napapangiti kasi somehow, bagay silang dalawa.


"Kami, bagay?!"

"Asus! Magpapakasal muna ako sa aswang."

"Mas namang magpapaanak ako sa isang pangit."

"Kasi nga, gusto mo mga pangit. Hindi kagaya kong gwapo."

"Wow, hangin! San banda ang kagwapuhan mo? Dyan sa pilikmata mo?"


Nag-wowalk na lang ako tapos aakalain nilang nagalit ako. Pero, ang totoo ay ang ingay lang talaga nila at gusto kong mapag-isa.


Hindi na kami nagkita kasi patapos na ang first sem. Parang hangin lang ang lahat. Parang hangin lang talaga. Mabilis lumipas ang oras at busyng-busy na talaga.


I tried to keep myself busy on things but everytime I pause, I can't help but think of you. I moved on. Pero hindi ibig saihin n'on ay naghilom na ang sugat kasi hindi pa rin talaga. Nandyan na ang lahat-lahat sakin pero may kulang pa talaga eh.


"Ayan na ang crush mo, oh." Niyugyog ni Ysa ang balikat ko. Sinimangutan ko siya.

"Hindi ko nga siya crush."

Pilya siyang ngumisi, "Weh? Sabi mo gwapo." sabay tawa.

"Eh, gwapo lang naman eh."

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon