"Grabe. Nakakainis talaga sina Jael. Mula pa noon talaga alam na alam kong inggit sila sayo." tugon ni Mandy. Umiling-iling ako.
"Crush kasi nila si Zach." tugon ko.
"Hmm, lahat naman ata crush ni Jael eh." tugon niya. Bumuntog-hinga ako.
"Hayy, pabayaan mo na sila. Pero alamo mo, nakakakilig talaga si Kyle." sabi ko at ngumiti na parang ewan.
"Hala. Huy Ruth, totohanan na ba yan?" tanong niya.
"Huh? Anong totohanan ang pinagsasabi mo?" tanong kong nakakunot ang noo. Inirapan niya ako.
"Hulog ka na ba kay Kyle?" tanong niya. Pumula ang pisngi ko at kinagat ko ang aking labi.
"Ewan ko. Di ako sure. Di pa kasi ako nakaranas niyan eh." Ngumiwi ako.
"Well. Pero don't worry, malalaman mo rin yang nararamdaman mo para sa kanya." sabi niya at ngumisi. Tumango ako at ngumiti.
Ano nga ba yung nararamdaman ko para kay Kyle? Tsk. Tapos, kaibigan lang ba talaga ako para sa kanya? Bakit parang nagpapakita siya ng intensyon?
"Hey Ruth, anyare sayo? Okay ka lang ba? Nabalitaan ko ang nangyari." sabi ni Kyle nung pumasok ako sa room. Pumula yung pisngi ko. Si Mandy talaga. Sinimangutan ako ni Kyle.
"Ah, ano, K-kyle, okay lang ako." sabi ko at ngumiti. Ngumuso siya.
"Sure ka?" tanong niya. Tumango ako.
"Oo naman."
"Eh, bakit ba inaway ka nila huh?" tanong niya. Umiling ako at nagkibit-balikat.
"Hindi ko lang alam. Pero, tungkol ata kay Zach." tugon ko. Kumunot ang noo niya.
"Zach? Zachary Tison?" Tumango ako.
"Yep." Ngumiwi si Kyle.
"Huh? Bakit naman?" tanong niya.
"Ah, e-eh, k-kasi, akala nila gusto ko siya." sabi ko. Sumalubong yung kilay niya.
"Bakit? Gusto mo ba talaga siya?" tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko at umiling ako.
"H-hindi ah! Akala lang nila yun." tugon ko. Bumuntong-hinga siya at tumango.
"Ah. Akala ko gusto mo siya." Ngumisi si Kyle.
"Pfft. Asa naman."
"Ako kasi diba ang gusto mo-?"
"WHAT? Alam mo! Ang assuming mo talaga." Inirapan ko siya. Ginulo niya ang buhok ko.
"Joke lang naman. Masakit kaya. Hahaha."
Tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin at pumunta na ako sa upuan ko.
"Sino kasama mo uuwi?" tanong nina Mandz sakin nung uwian na. Nginitian ko sila.
"Kay Kuya na lang siguro ako." sabi ko. Tumango sila.
"Sige. Tara na Kyle." sabi ni Mandy.
"Bye Ruth." Kumaway sila sakin kaya kumaway ako pabalik.
Naglakad ako papunta sa Grade 12 room. Nasa 3rd floor pa yung room nila at nakasalubong ko yug iba't-ibang Grade 12 na pauwi na rin.
Nakita ko si Kuya na nasa labas ng room nila. I think uwian na rin nila.
"Kuya." tawag ko sa kanya. Ngumiti siya sakin.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...