32

74 6 17
                                    

"Teka, teka lang Sean!" tugon ko. Hinawakan niya ang kamay ko sabay irap.

"Ang tagal mo talagang kumilos." singhal ni Sean. Ngumuso ako at pumikit-pikit.

"Eh sorry naman." tugon ko. Bumuntong-hininga siya at umirap. Kaagad naman niya binitawan ang kamay ko.

"Tara na nga't naghihintay sina Marielle doon." sabi niya.

Tumango ako at nagpaalam na kay Mama para umalis.

"Mama, alis na po kami." halik ko. Tumango siya at ngumiti.

"Sige, mag-ingat kayo, Sean." Nginitian niya si Sean. Nag-salute naman si Sean.

"Sige Tita."

Kinaladkad ko na si Sean palabas ng bahay. Lumabas rin kami ng gate at humalukipkip ako sa mga barkada kong nakangising naghihintay samin sa likod ng pick-up nina Marielle. Ngumuso ako at humiyaw naman sila.

"Uy, bagay sila ni Sean oh." I rolled my eyes.

"Mga loka talaga kayo. Tara na nga!"

Naglakad ako papunta sa likod ng pick-up. Tumawa lang si Sean. Tinulungan ako ni Kris kaya umupo ako sa tabi niya. Binelatan ako ni Hailey kaya ngumisi ako at nakipag-apir sa kanya.

"Haiiii-leyyy." ngisi ko. Ngumisi siya pabalik.

"Ruth." Kinindatan niya ako.

"May chika?" tanong ko. Natatawa siyang tumango.

"Meron." sabi niya.

Si Hailey ang pinakaclose ko sa kanilang lahat. No, kaclose ko silang lahat pero siya yung sister ko. I found new friends. Masaya silang kasama pero hindi pa rin ako nakahanap ng romantiko. Tumawa ako sa isip ko.

I'm cool with my Mom. Yes, we're cool. Sobrang saya niyang kausap. Hindi ko pa nakikita si Papa pero nakausap ko na siya sa telepono. He said he wanted to see me na. Gusto ko rin naman siyang makita.

Anyway, may katext itong si Hailey na taga doon sa amin. I mean, kung saan ako nakatira noon. Naka-move on na rin naman ako pero may mga puwang sa puso ko na di kayang higitan ng kahit na sino pa man. Ngumiti ako sa kawalan. Lumalablayp na itong kaibigan kong si Hailey. Tinatawagan pa kasi siya at kinakantahan. Take note dahil sabi niya maganda ang boses at magaling mag-Piano. Nainggit tuloy ako.

Hindi pa niya sinasabi sa akin yung name ng lalake pero ilang buwan an rin naman silang magkatext. Hindi rin naman ako interesado sa pangalan niya eh. May pangalan naman ako ba't pag-aaksayahan ko ng oras ang pangalan nun. Napatawa ako.

"Kanina ka pa nakangiti, a." tugon ni Kris. Nilingon ko siya at nginisian habang umiiiling.

"Wala, may iniisip lang." Nasulyapan ko si Sean at nakanguso siya sakin. Nginitian ko na lang siya.

"Sino?" sabi niya. Tumawa ako at umiling.

"Wala." simpleng sagot ko.

"Uy Ruth, anong sino-sino yan? Nagkakaaminan na ba kayo dyan ni Kris?" tawa ni Beatrice. Inirapan ko siya.

"Kaloka ka! Di a." Tumawa na rin ako. Nakita kong pumula ang pisngi ni Kris kaya pinisil ito ni Althea.

Umiling-iling na lang ako at tumingin sa kawalan. Summer na ngayon at magpapa-enroll kaming magkabarkada. Tatlo lang yung lalake sa barkada namin which is Kris, Sean and Michael. Ang mga babae naman ay ako, si Marielle, si Beatrice, Althea at si Hailey.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon