7

56 10 4
                                    

"Mandz, alam mo naman sigurong crush ko si Kyle diba?" tanong ko kay Mandy habang nakatambay kami sa mga bench dito malapit sa gym ng school. Nanlaki ang mga mata niya.

"Oh my gosh! Talaga? Hihihi. Oh well, alam ko pero di ako sure." sabi niya at pinagpatuloy ang paglilinis ng kuko niya. Bumuntong-hinga ako sa kawalan.

"Sino kaya ang babaeng kinahuhumalingan niya?" tanong ko na nakaiwas ang tingin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumigil siya sa paglilinis ng kanyang kuko.

"Huwag mawalan ng pag-asa. Baka ikaw yun." sabi niya. Umiiling ako nang nilingon ko siya.

"Nope. Feeling ko hindi ako. Ang hirap naman kasing basahin si Kyle eh." sabi ko at bumuntong-hinga ulit.

"Ayy, bakit naman? Pero tama ka, ilang years na kaming friends pero hindi ko pa rin makilala ang emoticons ng mga mata niya." sabi niya at sumimangot. Ngumiti ako.

"Pero feel mo sino ang gusto niya?" tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya.

"Ewan ko. Sobrang hirap naman kasing basahin nun eh." tugon niya. Tumango ako.

Nasa gitna kami ng pag-uusap ni Mandy nung may narinig kaming mga bulungan ng lalake. Nilingon namin yun.

"Uy, pare, ikaw na." sabi nung isa. Tinuro naman niya yung ibang kasama niya.

"Tssk. Ikaw na lang." sabi naman ng isa. Kalurkey! Naguguluhan ako sa kanila. Binalewala ko na lang yun at tumingin na lang sa harap.

"Sige ako magsasabi basta kung papayag, akin ah?" narinig kong sabi ng isang lalake.

Nagulat na lang ako nang pumunta sila sa harap namin.

"Uh, Ruth, p-pwede bang maging ka-date kita sa prom?" tanong nung lalake. Uh, I think Grade 11 to eh? Natigilan si Mandy at napatitig dun sa lalake. Kinagat ko ang labi ko.

"U-uh, sorry ah." sabi ko at yumuko. Ayaw na ayaw ko talaga yung nasasaktan ang feelings ng ibang tao. Feeling ko ang sama kong tao. Tinignan ko uli siya at nginitian.

"Marami pa namang iba diyan eh. Sorry talaga ha?" sabi ko. Ngumiti na lang siya at tumango.

"Y-yeah, ikaw sana. Pero, okay na lang. Ang bait mo kasi eh." sabi niya at ngumiti.

Nung umalis na ang mga lalake eh nakita ko sa malayo si Kyle. Nakahilig siya sa pintuan ng room namin at nakatitig samin. Kumalabog ang puso ko. Feeling ko worth it yung pagtanggi ko sa lalake kanina. Bumuntong-hinga ako nung nakita kong ngumiti siya.

Uminit yung pisngi ko kaya yumuko ako.

"Ayan na naman si Loverian. Tsk." sabi ni Mandy.

Nilingon ko siya at nakita kong umiling-iling siya habang nakatingin sa kawalan. Tinignan ko naman ang tinitignan niya at nagets ko kung anong 'Loverian' ang sinasabi niya. Nasaktan ako sa nakita ko. Bumuntong-higna ako at tumingin na lang ulit sa harap ko.

"Alam mo-"

"Yes, alam ko." putol sakin ni Mandy. Tinignan ko siya.

"Hindi ka na gaanong kinakausap ni Kuya mo kasi palagi na siyang may kausap sa cellphone." sabi ni Mandy. Tumango-tango ako.

"Yeah." sambit ko na lang. Nginitian niya ako.

"I know na ganyan ang magiging outcome ng panliligaw ni Kuya mo kay Lovely Del Rosario. Si Lovely kasi, basta may nanliligaw sa kanya, gusto niya ang atensyon niya eh sa kanya lang. That's why sinabi niya na kung hindi kayo magkapatid ni Edrian eh nagseselos na siya." seryosong tugon ni Mandy at hinawakan ang kamay ko.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon