43

53 7 10
                                    

"First time mong magdala ng babae ah." tawa ni Daddy. Niayakap ako nang mahigpit ni Mommy.

"Ano na? OMG!" sabi ni Mommy. Sinalampak ko ang katawan ko sa sofa at bored akong nakatingin sa kanila.

"Stop interrogating, Mom." nguso ko.

Sinuyapan ko sina Edrian at Daddy na masayang nag-uusap. Pangisi-ngisi pa sila tapos hindi naman namin marinig ni Mommy ang pinag-uusapan nila. Malapad ang ngisi ni Daddy tapos paminsan-minsan, sinusulyapan nila ako. Tinapik ni Daddy ang balikat ni Edrian.

"Akala ko ayaw mong magka-boyfriend si Ruth?" tawa ni Mommy.

"I'm always excempted from the rules." kindat niya sakin.

"I still can't believe it! Magiging anak na ulit kita." sabi ni Mommy. Nanlaki ang mga mata ko..

"Anak agad Mommy?" sabi ko at humalakhak, Tumango si Kuya at pinaglaruan ang labi niya..

"Syempre. Tinatawag mo na nga siyang Mommy eh." Tumawa silang tatlo.

"Nice choice Edrian." halakhak ni Daddy. Pumunta si Mommy sa gilid ko.

"Aba syempre. Tayo kaya ang sumubaybay sa paglaki niya."

Sobrang nakakataba ng puso. Akala ko hindi nila kami susuportahan. Akala ko sasampalin ako ni Mommy sabay sabing 'Malandi ka. Kapatid lang ang turing ni Edrian sayo. Ayaw kita para sa anak ko.' pero hind, tinanggap nila ako. Naiiyak ako tuwing iniisip ko na sobrang blessed ako.

"Natutuwa talaga ako para sa inyo." sabi ni Mommy at niyakap ako. Ngumiti ako.

"Thank you Mommy. Salamat kasi ni-welcome mo ulit ako sa buhay niyo. Akala ko, hindi niyo ako tatanggapin." tugon ko.

Nginitian ako ni Edrian at hinawakan niya ang kamay ko. Kumalas kami sa yakap at nakita kong napaiyak si Mommy. Natawa kami sa reaksyon niya. Humalakhak naman si Daddy at hinatak niya si Mommy papunta sa bisig niya. Sa dibdib ni Daddy umiyak si Mommy. Now I know kung saan kinuha ni Edrian ang talent niya! Humalakhak ako.

"Mommy, ba't ka umiiyak?" sabi ko at nilapitan siya. Umiling siya sabay ngisi.

"W-wala. Natutuwa lang ako." tugon niya. Tumawa si Edrian.

"Ilang ulit mo nang sabihin yan Mommy! Unlimited ang peg? Kung natutuwa ka, mas natutuwa ako." sabay akbay sakin.

"Oo. First time mo kasing magdala ng babae eh. Akala ko kasi bading ka eh." Tumawa kaming tatlo maliban kay Edrian. Sumimangot si Edrian.

"Di ako bading, patunayan ko pa sayo." sabay hatak sakin pero tinakpan ko na yung baba ko dahilan para tumawa sila at ngumuso naman si Kuya.

"Sige na, mauna na kami." sabi ni Kuya.. Tumango silang dalawa.

"Huwag nang pumunta sa ibang lugar, a." tawa ni Daddy. Ginulo ni Ed ang buhok ko. Ngumiwi ako.

"Talaga lang Daddy." sabi ko. Tumawa si Kuya.

"Didiretso ako sa condo dahil ilang rooms lang ang pagitan ng unit namin ni Janier." Nanlaki ang mga mata ni Mommy.

"Edriaaan!" nguso ni Mommy. Tumawa ako at umiling.

"Asa kaya Mommy. Sige po, mauna na kami."

Hinalikan ko sila sa pisngi nila at nagpaalam na kaming dalawa. Nakangiti pa rin si Mommy habang tinatanaw kaming naglalakad palayo.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon