13

39 8 1
                                    

"Ah, ano Kyle. Teka ah! Sundan ko lang si Kuya." sabi ko.

Hindi ko na hinintay yung reaksyon niya at tumalikod na ako.

"Kuya." Kinalabit ko siya pero hindi niya ako nilingon.

"Kuya Vin." tugon ko.

"K-kuya Edrian! Teka!" sabi ko nung nakita kong bumibilis na ang paglakad niya.

Sa wakas nilingon niya ako. Humalukipkip siya at tinaas niya ang kilay niya.

"What?" tanong niya.

"S-sorry, Kuya-"

"You know, you don't have to say sorry. It's not my life." malamig niyang tugon. Ngumuso ako.

"Ih! Kuya naman eh!" sabi ko. Kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

"I didn't kiss him and I don't wanna kiss him! Huwag ka nang magalit." singhal ko.

"Hindi ako galit. Look, Ruth-"

"See? You're even calling me Ruth!" nakangiwing sabi ko.

Bumuntong-hininga siya. Kinaladkad ko si Kuya palabas ng school.

"T-teka, san mo ako dadalhin?" tanong ni Kuya.

Hindi ko na siya pinansin kaya nagpatianod na rin si Kuya. Hindi siya lumaban kasi talo na ako pag lumaban pa siya.

Dinala ko siya sa labas para kumain kami ni Ice cream.

"Good morning Mam, Sir." sabi nung guard at pinagbuksan kami.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na ang-half smile si Kuya.

"Pabili po ng isang strawberry flavor at isang chocolate flavor." nakangiting sabi ko.

Tumango ang cashier at tinype ang in-order ko. Pagkatapos ay ibinigay niya sa akin yung receipt.

"Oh ayan Kuya ah. Papakainin na kita ng ice cream." sabi ko nung nakaupo na ako sa harap ni Kuya. Ngumisi siya at ummiling-iling.

"Ikaw talaga, ganda." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Napangiwi naman ako.

Dumating na yung ice cream namin at binigay ko sa kanya yung chocolate na flavor, sakin naman yung strawerry Agad akong tumabi sa kanya.

"Teka, Kuya! Selfie muna tayo." nakangising sabi ko. Ngumuso naman siya at tumango na lang.

Naka-tongue out ako at si Kuya naman ay naka-half smile lang. He's not really into selfies pero photogenic siya. Napangiti ako sa picture naming dalawa.

"Yun." sabi ko at bumalik na sa upuan ko.

Nagsimula na kaming kumain ni Kuya ng ice cream.

"Naalala mo noon Kuya? Nung bata pa tayo, kung umiiyak ako, binibigyan mo ako ng Strawberry flavored ice cream. Chocolate naman yung sayo." sabi ko at humalakhak. Napangisi si Kuya.

"Yeah. Ngayon, ikaw na nagpapakain sakin ng ice cream." tugon niya at umiling-iling. Ngumuso ako.

"Di ko naman hahalikan si Kyle eh! Kaso na-out balance siya-"

"Blah, blah." putol ni Kuya sakin. Ngumiwi ako.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala basta hindi ko siya gustong halikan." sabi ko.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon