57

38 7 7
                                    

Maganda ang lugar ng ististayan namin sa Tagaytay. May dalawang single bed sa kada room. Kasama ko ang kaklase kong si Michelle sa kuwarto. Nilingon ko siya at nakaawang pa rin ang bibig niya habang tinitignan si Edrian na nilalapag ang mga bag ko sa bedside table.

Bumuntong-hininga ako. Pinipilit ko siyang ibigay sakin ang maleta ko pero ayaw niya kaya no choice ako. Alangan namang makipag-agawan pa ako sa kanya.

"Hoooo. Graabe, ang init!"

Ngumisi ako kay Michelle habang pinagmamasdan siyang pinapaypayan ang sarili niya. Humiga ako sa kama at tiningnan ko siya. Nakafull naman ang aircon tapos ganyan ang asta niya. Kalalabas lang po kasi ni Edrian at todo pakawala ng hininga ang peg niya.

"Ang gwapo talaga niya. Iyong ilong niya na sakto lang pero maganda ang pagkatangos, 'yong mga mata niyang mapanuri, kurbang-kurba ang kanyang cheekbones kapag ngumingiti tapos ang manipis, pinkish at nakanguso niyang labi, perpekto ang lahat."

Nag-walling pa siya habang sinasabi iyon. Tumawa ako nang malakas. Pinagpapantasyahan niya talaga si Edrian eh, 'no? Hindi ko nga dinedescribe ang features ni Edrian pero siya, memorize na niya ata. Umiling-iling ako.

"Ay Ruth. Sorry kung pinagpapantasyahan ko 'yong boyfriend mo ah-"

Ngumuso ako at pinutol siya, "Hindi ko ho siya boyfriend."

"Whut?! Sinong niloloko mo?" tawa niya, "Alam na ata ng buong unibersidad ang relasyon niyo."

"Ewan ko sayo Michelle. Tara na nga sa ilalim!"

Hinatak ko siya pababa sa mess hall kasi dinner na namin. May kaunting orientation pa kami mamaya pero bukas pa ang official start ng seminar namin.

Ginala ko ang mata ko sa buong mess hall at hindi pamilyar sakin ang mukha ng bawat isa. Syempre, baguhan lang ako sa mga seminar na ito. Ngingisi pa si Michelle habang pinagmamasdan ang mga mukha ng mga gwapong lalake dito.

"Ruth!"

Winagayway ni Ate Dorothy ang mga kamay niya habang tinatawag kami. Dali-dali kaming naglakad papunta sa table nila at nand'on rin pala ang ibang taga USC pati na rin ang bandang The Yellow Turban. Umupo kami at hinanap ng mga mata ko si Edrian. Hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo ko.

"May kinausap pa siya." tipid na ngiti ni Dexter, ang bassist ng banda nila.

Ngumuso ako. "Sinong tinutukoy mo?" tanong ko.

"Si Edrian. Alam ko namang hinahanap mo siya." Agad akong umiling kasi pinagtitinginan na kami ng mga kasama ko sa mesa.

"Ha? Hindi ah!" ngisi ko kuno.

"WEH? Eh, ba't parang may hinahanap ang mga mata mo?" mapang-asar na ngisi ang binigay ni Cred sakin.

"H'wag niyo nga akong asarin. Hindi naman totoo 'yon eh." tawa ko.

Tumahimik ang buong table at huli na n'ong napagtanto ko bakit. Hindi maalis ang titig ko kay Edrian na ngingisi pa habang nakikipag-usap kay Alexis. Lumunok ako at umiwas ng tingin. May mga matang awtomatikong tumitig sakin. Nilingon ko ang katabi kong si Michelle at panay ang simangot niya.

"Ba't ka nakasimangot?" tanong ko.

Hindi ko naman gustong makipag-usap ngayon pero ang awkward! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. May kakaibang kirot sa puso ko. Noon kasi, siya lang ang excemption sa mga plano namin ni Kuya. Ngumuso si Michelle.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon