41

63 8 6
                                    

Hindi na umalis ang mga kulisap sa tyan ko mula kagabi. Palagi akong lutang at napapahawak na lang ako sa labi ko at bumubuntong-hininga. That was my freakin' first kiss! Kinagat ko ang labi ko at inalala ang itsura ni Edriang nakapikit. Ang dalawang kamay ko ay nasa dibdib niya.

Wala akong naramdamang mali kahit na pinaglalandakan kong tinuring ko talaga siyang isang kapatid. Of course kasi mahal ko siya at hindi ko naman siya totoong kapatid eh.

Minsan lang kami mag-usap ni Hailey. Sobrang naguiguilty ako pero hindi naman dapat iyon ang maramdaman ko kasi hindi naman sila ni Edrian. Hindi ko alam pero pinipiga ang puso ko kasi gusto rin niya si Edrian. Ako ang umiiwas sa kanya pero mukha yatang siya pa ang umiiwas sakin.

Sa tuwing kinakausap niya ako ay di na kagaya noong high school pa lang kami. Bumuntong-hininga ako. Mas mabuti na 'to. Ayaw kong maging plastic kasi minsan ang landi na rin ni Hailey.

"Naiinis talaga ako sa mga traydor." Napalunok ako sa sinabi niya sakin.

"Kaya nga madalas na akong tumawag sa mga barkada natin." dagdag pa niya.

Gusto kong tanungin bakit hindi na lang ako? Ewan ko pero nagbago na talaga si Hailey.

"Hey." Umupo si Edrian sa gilid ko. Nginitian niya ako pero naiilang na ngiti lang ang sinukli ko sa kanya.

"Urm, hi." sabi ko.

"Nakapaglunch ka na ba?" tanong niya. Umiling ako at ngumuso.

"Wala pa eh. Ikaw ba?" Umiling rin siya.

"Tara, lunch tayo."

Nagulat ako kasi tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Pumula ang pisngi ko habang tinitignan siyang pinagsisiklop ang mga daliri namin. Maraming natigilan at maraming lumingon sa amin. May mga nalaglagan pa ng panga. WHAT? First time ba nilang makitang may kasamang babae si Edrian Vin Garcia?

Kinabahan ako. Paano kung makita kami ni Hailey? Paano kung may nakaalam dito na magkapatid kami? Yumuko ako at pinilig ang ulo ko. Hindi nga kayo magkapatid eh! Grr!

"Ed." mahinang sabi ko. Nilingon niya ako.

"Hmm?" sabi niya.

"Maraming nakatingin satin." tugon ko. Panandalian siyang tumigil at luminga-linga sa paligid. Aba! Hindi pa rin sila natinag. Ngumuso ako at pinagmasdan siyang nakatingin sa mga estudyante.. Nagkamot siya ng ulo at ngumuso.

"Oo nga, ano?" nakangisi niyang sabi at nagulat ako kasi inakbayan niya ako ar nagsimulang maglakad. Nanlaki ang mga mata ko at tatawa-tawa pa siya.

"Anong nakakatawa?" nakanguso kong tanong at pilit kinukuha ang kanyanng kamay sa balikat ko..

"Wala lang. Gusto nilang makakita ng sweet eh." tawa niya. Sweet? Kami? Napaface palm ako.

Sinabi ko sa kanya na ako na lang mag-oorder kasi sobrang dami na ang tumitingin samin. Nagkibit-balikat lang siya at tumango. Bumili ako ng dalawang serve ng fried chicken, dalawang kanin, dalawang serve ng gulay, dalawang softdrinks at dalawang chocolate. Sabi niya libre daw niya eh.

Siya na rin yung kumuha ng order namin. Luminga ako sa paligid at kumalabog ang puso ko nang nakita ko si Hailey'ng matalim ang titig samin. Umupo na lang ako pero nakatingin pa rin siya samin. Lumunok ako at kinuha niya yung cellphone niya.

"Oh, kain ka na." sabi ni Edrian. Tumango lang ako at ngumiti.

"Uhm, sige." Nagvibrate yung cellphone ko kaya agad kong tinignan ang nagtext. Hindi ako nagkamali kasi si Hailey nga ito.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon