26

55 7 18
                                    

Kumain na ako kung anong pwedeng kainin dito. Hindi ako uminom. I never tried. Ayaw ko, nasusuka ako. Hindi ko nga alam saan si Mandy kumukuha ng lakas-loob para uminom eh.

Nababagot na ako kakatingin sa kanya sa pagsayaw niya nang narinig kong may nag-announce sa Microphone. at tumigil ang Music.

"Let's take a break for a while and let us hear a special number from the band The Yellow Turban!"

Naglakad ako papunta kay Mandy na tumatayo malapit sa counter. Nakaharap sa stage at umiinom siya ng softdrinks.

"Salamat naman at naisipan mo ring uminom ng softdrinks." Sabi ko nung sumulpot ako sa harap niya. Tumawa siya at binatukan ako nang mahina.

"Hindi ako partygirl." Tugon niya. Ngumuso ako.

"Kaya nga. May sinasabi ba ako?" Tanong ko. Umiling siya.

"Lynette has an amazing birthday party." Ngumisi si Mandy. Tumango ako.

"Nasan si Kyle?" Tanong ko. Nagkibit-balikat siya.

"Ewan ko. Hindi ko naman siya boyfriend." Nakatingin siya sa likod ko which is the stage. Humalukipkip ako at kinagat niya ang kanyang labi habang nakatingin sa harap.

"Mandy-"

Old man on his way back home late from work today

Far out on a dirt road, he couldnt find his way

With tears in his eyes he knew theres no one in sight

And tried to tell himself that itll be alright

Natigilan ako nung narinig ko ung sino ang kumakanta. Napaganga ako at nakita kong ngiting-aso 'tong si Mandy. Dahan-dahan kong itinikom ang aking bibig at mariin akong pumikit. Tumindig ang lahat ng balahibo ko sa boses niya.

Whys it always darkest right before the dawn?

If liars can be honest, and right can be wrong

When you find a doorway, are you in or are you out?

You have to stand up before you fall down

You need to get lost before you get found

Suminghap ako at tumingin sa harap. Halos maiyak ako nung nakita kong nag-iba na si Kuya. Hindi ko alam pero sobrang may nag-iba sa kanya. Yung piercing niya sa tainga niya ay kumikinang. Wala pa yan noon eh. Ilang buwan lang kami hindi nagkita, umiba na siya kaagad.. Todo kagat-labi lang ako habang pinagmamasda ko si Kuya. Tumangkad siya at medyo pumayat pero makikita mo pa rin yung muscles niya lalo na't naka-sleeveless lang siya. Ngumuso ako.

"He became hotter than ever." Tumawa si Mandy. Inirapan ko siya kaagad.

"What? I'm just telling my opinion." sabi niya sabay nguso.

"M-Mand, sa tingin mo, nagbago kaya si Kuya?" tanong ko sabay kagat ng labi ko. Tumango si Mandy.

"Obviously. May piercing na siya eh." sabi niya. Umiling ako.

"No, I mean, yung character niya." Nagkibit-balikat si Mandy.

"I don't know. Hindi ko masyadong kilala si Kuya mo. Basta ang alam ko lang ay gwapo siya, hot, heartthrob. Pero hindi ko masasabi kung may nagbago sa kanya, bakit ba?" sabay sulyap sakin. Nanginnig ang labi ko at umiling ako.

"W-wala."

Tahimik lang ako habang nanonood kay Kuya. May sariling banda na siya. Ngumiwi ako at pinagmasdan ang mga bagong kasama niya sa kanyang banda. He's stil cool. Maganda pa rin naman ang kanyang boses at magaling pa rin siya mag-Giiitara. He's still him.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon