"Kuya, may girlfriend na ba si Zachary Tison?" tanong ko kay Kuya nung nagdidinner kami. 2 weeks na ang nakalipas nung nagperform sila sa school. Hindi ko alam kung kailan sila peperform ulit eh. Nabilaukan siya sa sinabi ko at naliit ang kanyang mga mata.
"Bakit? He's your type?" tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko at ako naman ang nabilaukan.
"Hindi noh! Grabe, nagtanong lang naman ako eh." sabi ko at ngumuso. Bumuntong-hiniga siya at umiling.
"Wala. Bakit napatanong ka?" tanong niya. Pumikit-pikit ako.
"Gusto kasi siya ng friend ko. Hihi." sabi ko at ngumiti. Napangisi si Kuya.
"Si Mandy? Hmm. Pwede rin. Gusto mo ireto ko siya sa kanya?" sabi ni Kuya at humalakhak. Kumislap ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Talaga? Sige, sige! Omg. Sige Kuya!" sigaw ko. Magsasalita na sana si Kuya pero sumigaw si Daddy na kabababa lang sa hagdanan.
"Ruth! Where's your table manner?!" sigaw niya. Kinagat ko ang labi ko.
"Sorry po, Daddy. Hindi na mauulit." tugon ko.
"Dapat lang. Hindi ka dapat sumisigaw kung kumakain ka!" sabi niya. Mariing pumikit si Kuya.
"Actually Dad, it's my fault. May sinabi kasi ako kay Janier. I'm sorry-"
"No, huwag mong kunsintihin yang kapatid mo Edrian. Nasasanay na." mahinahong sabi ni Daddy bago kami talikuran.
Bumuntong-hininga kami ni Kuya. That would never change though. Kasi, sinisigawan niya ako palagi at kay Kuya naman mahinahon sila kung magsalita. Tinignan ako ni Kuya sa isang worried na ekspresyon. Ngumiti ako.
"I'm sorry-"
"No, Kuya. Tama si Daddy." sabi ko at nagsimulang kumain na walang kagana-gana. Lumapit si Kuya sakin.
"Huwag na nating pag-usapan yun. Hehe. Basta, ano na ba yung pinag-uusapan natin kanina?" tanong niya. Ngumiti ako.
"About kay Mandy na irereto mo kay Kuya Zach." sabi ko. Humalakhak si Kuya.
Naghugas muna ako ng pinggan. Mamaya doon ako matutulog sa kwarto ni Kuya. Hihi. Lakas mamilit eh.
Pagkatapos kong maghugas eh pinunasan ko muna ang kamay ko bago pumunta sa room ni Kuya. Pero bago ako kumatok, narinig kong may tinatawagan siya.
"Yeah. Yeah. Whatever. Haha. Sige, labyu." tugon niya. Napangisi ako at kumatok.
"Kuya." sabi ko.
"Bukas yan, pasok. Pakilock na lang kaagad." sabi ni Kuya.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at nilock ito gaya ng sinabi niya. Tumamabad sakin ang walong pandesal na humihiga habang nagtetext. Napatawa ako at umiling. Lumapit ako kay Kuya.
"Wow Kuya, pandesal!" sabi ko. Tumigil siya sa pag tetext at ngumisi sakin.
"Selos ka?" sabi niya. Humalakhak ako at tumabi sa kanya sa higaan.
"Magkakaroon rin ako niyan." sabi ko at ngumisi.
"Hmm, di bagay sayo. Mataba ka eh." tugon niya at tumingin sa side ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Fiksi RemajaJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...