12

48 8 4
                                    

Isang buwan na rin ang lumipas at okay na rin naman yung lahat. Hindi na trending yung kay Kuya at kay Ate Lovely. Malapit na yung sembreak namin.

"Nakakainis talaga! Ang hirap naman ng Math!" utas ni Mandy. Nginisian ko siya.

"Kaya mo yan, Mandy! Madali lang naman eh." sabi ko. Ngumuso siya.

"Para sayo. Pero sakin, hindi!" tugon ni Mandy. Pabiro ko siyang inirapan.

"Loka ka talaga, Mandz. Halika na nga! Pumunta na tayo sa room at mag-eexam na tayo sa English!" sabi ko at kinaladkad siya.

2nd Quarter Exam namin ngayon at bukas. Tapos next week, semestrial break na. Kaya et at todo effort kami. Excited na ako sa sembreak kahit wala naman akong gagawin.

"Shocks! Di ko in-expect na mahirap pala yung English natin." sabi ko at bumuntong-hininga nung lumabas na kami sa room kasi katatapos lang nung Exam namin sa English.

"Mas mahirapa ng Math! Loka." sabi niya at ngumiwi.

"Heh, tara na nga sa cafeteria. Kumain na tayo. Nastre-stress na ako." sabi ko at naglakad kami ni Mandy papunta sa Cafeteria.

Just in time na nagugutom na ako eh, may humablot sa braso ko. Nilingon ko iyon at si Jael na naman.

"Jael." yun na lang ang nasabi ko. Ngumisi siya.

"Kamusta?" nakangising tanong niya.

"Hoy Jael! May exam pa kaya huwag ka munang epal please." sabi ni Mandy at inirapan sina Jael.

"Talaga?" sabi niya at tinulak kami ni Mandy.

"Alam mo, may bago kaming kaibigan." sabi niya at kumindat. Palihim akong umirap.

"So?" supladang tanong ni Mandy. Inirapan siya ni JAel pero ibinaling niya ulit yung tingin niya sakin.

"Gusto niyong makilala?" Umiling ako.

"Nah." bored kong sagot. Tumawa siya.

"But I want to-"

"Come on, Jael! Kilala na nila ako."

Tumindig ang lahat ng balahibo ko nung narinig ko ang boses niya. Kinagat ko ang labi ko.

"J-jael, bitawan mo ako." Nag-pumilit akong kumawala sa pagkahawak niya sakin. Ngumisi siya.

"Alam ko naman eh, kilalang-kilala ka na nila, Ate." sabi ni Jael.

"Hey, bitch." sabi ni Ate Lovely at lumapit samin ni Jael.

"Ate Lovely." tugon ko. Ngumisi siya.

"Oh? You remember me? Sure you will." sabi ni Ate Lovely at humalakhak.

"Bitawan mo na siya, Jael. Ako na ang bahala sa kanya." tugon ni Ate. Umiling ako.

"Ate, kailangan ko pang mag-review eh." sabi ko. Nagulat na lang ako nung sinampal niya ako. Napahawak ako dun sa part na sinampal niya.

"Jael! Ruth!" sigaw ni Mandy. Nilingon ko siya at hinahawakan siya ng dalawang kasama nila. Humikbi ako.

"A-ate-"

"Don't you dare call me Ate! Nang dahil sayo nawala ang lahat sakin! You think you're that special? Hindi dapat ako iniwan ni Edrian! Pero nang dahil sayo, wala na siya sakin!"

"Lovely!" sigaw ni Mandy.

"Ate, h-hindi ganun yun-"

"You're a bitch! Gusto mo lahat ng atensyon ay nasayo." sabi niya. Umiling ako at humagulgol.

Yearning for loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon