"It's wrong." Tumikhim ako. Sumimangot si Mama.
"Anong mali sa pagmamahal?" tanong niya. Umiling ako.
"Walang mali kung magmamahal ka. Ang mali ay, yung taong minamahal mo." Ngumiti ako nang mapait.
"Mind to...share?" sabi niya. Humugot ako ng isang malalim na hininga.
"I'm inlove with my brother." sabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Mama.
"Kailan pa ako nagkaanak?" Tumawa ako pati na rin si Mama pero humupa rin ito.
"Hindi mo naman siya kapatid, diba Ruth? Walang mali dun." Nanginig ang labi ko.
"Pero Mama, tinuring ko siyang kapatid lang. I really, really think it's wrong." simangot ko.
"Pero naramdaman mo naman na sobra pa dun ang turing mo sa kanya." sabi niya.
"Ma, he said he...loves me." sabi ko. Kinagat niya ang labi niya.
"As a?" Tinignan ko si Mama mata sa mata.
"Eros." simpleng sabi ko. Unti-unting bumuo ang ngiti sa labi niya.
"Lumalablayp na ang anak ko." Pumula ang pisngi ko. Ngumisi si Mama.
"Mama naman!" sabi ko.
"I'm happy for you. Look, alam ko kung ano kang klaseng babae and I know Edrian a little bit." Ngumiti si Mama.
"Okay lang sakin na maging kayo." Tumawa si Mama. Ngumuso ako.
"Si Mama talaga."
Nagkuwentuhan lang kami ni Mama. Somehow medyo nabawasan yung tinik sa puso ko. Kumportableng kausap si Mama. And first time kong mag-usap sa kanya about sa lovelife ko. Yes, I'm inlove with that freakin' freak. Wala akong naikuwento pa noon kay Mama kasi wala akong gusto. Pinagpipilitan nga niyang may crush ako kahit wala naman.
"Ma, I have to go." paalam ko. Tumango siya sabay ngiti.
"Yep, gumagabi na."
"Goodbye Ma. I love you." Humalik ako sa pisngi niya.
"Goodbye. I love you too."
Pinark ko na ang Audi ko sa parking lot ng condo. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang 23. Suminghap ako at naghintay. Nang bumukas ang elevator, hudyat na nandito na ako, ay naglakad ako papunta sa room ko. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang nandoon si Kuya. Kinakabahan akong lumapit.
"Ano?" tanong ko. Nilingon niya ako at pagod siyang sumimangot.
"Where have you been? 9:30 na." sabi niya. Bumutong-hininga ako at binuksan ang unit ko.
"It's none of your business." sabi ko. Hinawakan niya ang braso ko. Kumalabog ang puso ko sa ginawa niya.
"Janier." malambot ang kanyang tinig. Inalis ko ang hawak niya at pumasok na sa unit ko pero sumunod pala siya.
"What?" inis kong tanong. Matalim niya akong tinignan.
"Can your business be my business, too? Because my business is your business also. Gusto kong malaman mo ang lahat lahaaaat ng ginagawa ko. I'm hoping it would be vice versa." seryoso niyang sabi. Tinaas ko ang noo ko.
"Gusto mong malaman ang nangyari sakin ngayong araw? Oh well. Nakawitness lang naman ako ng dalawang broken-hearted na babae. Fun, isn't it?" sarkastikong sabi ko. Kinuyom niya ang panga niya.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...