Medyo naibsan ang init ng katawan niya at nagiging okay na rin naman siya. Nag-grocery ako ng pagkain pero ayaw niya. Pinilit ko siya at wala na rin naman siyang magawa kundi ngumuso habang pinagmamasdan akong lumalabas sa unit niya.
Ayaw niyang iniiwan siya. Ginawa ko na 'yon noon at hindi ko na gagawin sa kanya ulit 'yon. Alam kong sasaktan ko lang ang dadamin naming dalawa.
Bumalik ako na may dalang prutas, tinapay, gamot, gatorade at gatas. Nalaglag pa ang panga niya nang nakita niyang may gatas akong dala. Tumawa ako. Pampalusog kaya iyon! Hindi naman niya ito ininom kasi may gatorade pa siya.
Nand'on siya sa sala ngayon, nanonood ng palabas sa TV. Katatapos ko lang maghugas at tinimpla ko na ang gatas na binili ko kanina. Hindi lang naman siya iinom eh pati ako. Humalakhak ako at nagdala rin ako ng prutas. Pumunta na ako sa sala at tumabi sa kanya sa sofa. Nilagay ko ang dala ko sa mesa at kumain ako ng prutas.
"Gustong-gusto mo talaga akong uminom ng gatas." sabi niya. Tumawa ako.
"Marami ang makukuha mong vitamins dyan." tawa ko pagkatapos ay uminom.
"Tsk, sige na nga." Nilagok niya ang baso ng gatas. Mabuti na lang at di na gan'on kainit 'yong tinimpla ko.
Marami kaming pinanonood na movie. Sinabi kong kailangan na niyang magpahinga pero sabi niya ayos na daw naman siya tapos niloko pa ako na dahil sa gatas daw ay lumakas siya. Sinapak ko naman siya nang mahina. Wala siyang ginagawa kundi ang tumawa. Humikab ako. Nakahiga siya sa kandungan ko habang nanonood.
Sinuklay-suklay ko ang buhok niya at hinawakan naman niya ang isa kong kamay na nakatapon lang sa ere.
"Palagi mong sabihin sakin kung may umaaway sayo ah." sabi niya. Tumawa ako.
"Hindi na kaya ako bata." saad ko.
"Kahit na. Tandaan mong nandito lang ako para sayo palagi." Tumango ako at hinaplos ko ang mukha niya.
"Nilagnat ka lang, nagdradrama ka na." ani ko. Humalakhak siya at umupo.
Mag-aalas dose na nang napagdesisyunan naming matulog na. Marami-rami rin naman kaming napanood na mga movies. Bumuntong-hininga ako at niligpit ko na ang mga kalat namin. Sinabihan ko siyang magpahinga na siya kasi maghuhugas pa ako ng pinggan.
N'ong natapos ako ay pumasok ako sa kwarto niya. Nakapikit siya nang mariin. Umupo ako sa gilid ng kama niya at mahinang tinapik ang balikat niya. Minulat niya ang isang mata niya.
"Kailangan ko nang umalis." Biglang umiba ang ekspresyon niya.
"What? D-dito ka lang, please." Umupo siya nang maayos. Nagpalit siya ng T-shirt na kulay blue at jogging pants.
"Pero-"
"Please? Even just for this night?"
Pumikit-pikit ako. Agad niyang hinigit ang kamay ko kaya napahiga na ako sa gilid niya. Humiga rin siya at hinarap niya ako. Seryoso siyang ngumiti. Nilagyan niya ako ng kumot at hinaplos ko ang mukha niya.
"Janier." Tinaas ko ang kilay ko.
"Hmm?" Kinagat niya ang labi niya at umiling siya.
"N-Nevermind." Sumimangot ako.
"Seryoso, ano 'yon?" Pilit siyang ngumisi.
"Hinding-hindi kita pababayaan at tatalikuran." Hinalikan niya ang noo ko. Nagkabuhol-buhol ang mga insekto sa tiyan ko dahil sa ginawa niya. Ngumisi ako at tumaas ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...