Hindi na kami nagkaroon ni Kobe ng tsansang mag-usap pa ulit. Tuwing gabi, napapaisip ako kung ano ang sinabi niya kay Kobe at ba't parang gusto pang sabihin ni Kobe sakin 'yon. Hindi naman siguro kalokohan ang sasabihin niya kasi alam niyang seryoso ako pagdating kay Edrian Garcia.
Nagpalit na daw siya ng sim at wala naman akong oras para makahingi o magtext. Tinatamad nga rin naman ako mag-load. Si Ysa, paminsan-minsan lang nagpaparamdama. Naiintindihan ko rin naman siya kasi third year na kami at dapat concentrate talaga kami.
Bilang na lang ang mga araw na magrereport ako dito sa fastfood chain. Malapit nang matapos ang schedule ko at mag-reresume na ulit ang OJT ko kung 4th year na ako. Busyng-busy na nga ako eh.
"Ruth, mamimiss kita."
"Ate, mamimiss rin kita." ngiti ko.
"Magpakabait ka Ruth, ah?" naluluha na siya ngayon.
Tumawa ako habang tumatango, "Sige Ate, maraming salama."
Niyakap ako ni Ate Beth. Siya lang ang sobrang ka-close ko dito. Marami rin naman akong kaibigan pero mas kumportable ako kay Ate Beth. Mabait kasi siya at maganda. Masarap pang magluto. Mahilig siyang maghanap ng gwapo at naaalala ko si Mandy sa kanya. Pareho pa naman silang madaldal.
Todo effort ako n'ong last one week ko na lang dito. Aaminin kong minsan naiinis na ako dito sa pinag-OOJT ko kasi una, galit sakin si Herna. Hindi naman sa gusto kong makipagkaibigan sa kanya pero sana, magpakita rin naman siya sakin ng kabutihan.
Nagpaalam ako nang mabuti sa mga kasama ko dito. Nalulungkot ako kasi iiwan ko na sila. Ilang buwan din kaming magkasama at sem-break na ulit. Mula Summer hanggang sem-break kaming naging magkaibigan. Marami rin akong nakilala sa iba't-ibang eskwelahan kasi kagaya ko, OJT rin sila.
Hindi ko alam pero naeexcite akong bumalik sa eskwelahan. Siguro kasi ilang buwan rin akong hindi tumapak d'on. Feeling ko, first day of school kasi sobrang excited ko na. Tinawagan ako nina mama't papa kung kamusta na raw ako at nagkwento naman ako.
Bumuntong-hininga ako at kumapit nang mabuti sa bag ko. Ngumiti ako at tinahak ang daanan papasok sa unibersidad. Luminga-linga ako sa paligid at maraming pamilyar na mga schoolmates ko ang kumaway sakin. Nginitian ko rin sila at kumaway pabalik.
Iginala ko ang mga mata ko at nakita ko si Ysa na tumatakbo papunta sakin. Hingal na hinga siya at kumapit siya sa balikat ko. Ngumisi ako nang malapad.
"YSA! I miss you." sabi ko sabay yakap sa kanya.
Niyakap niya ako pabalik, "I miss you too."
Kumalas kami sa yakap at nagkwentuhan. Tinanong niya kung kamusta ako d'on at sinabi ko rin naman na maayos ang trabaho ko. Grabe, ang dami kong namiss dito. Feeling ko baguhan ako sa kolehiyo. Habang naglalakad kami ay may bumangga sakin. Tumilapon sakin ang dala-dala niyang orange juice. Mariin akong pumikit at tiningala ko ang bumangga sakin.
"Sorry." sarkastikong sabi nin Hailey at iniwan ako.
BINABASA MO ANG
Yearning for love
Teen FictionJanier Ruth Garcia. Ang babaeng walang kaibigan. Hindi niya pa naranasan ang magkaroon ng crush o magkagusto ng isang lalake. Inosente. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kasi wala siyang kaibigan. Kinamumuhian ata siya ng mundo kasi di siya mahal...